Guro, nakuhanan ng ilegal na droga sa Laoag City | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Guro, nakuhanan ng ilegal na droga sa Laoag City

Dianne Dy,
ABS-CBN News
Published Jan 07, 2020 07:28 PM PHT

LAOAG CITY - Arestado ang isang public school teacher sa isang buy-bust operation sa Laoag City Lunes ng gabi.

Nakuha sa gurong si alyas "Hill" ang 11 sachet ng hinihinalang shabu at P1,000.

Siya ang itinuturong ika-5 sa listahan ng mga top drug personalities sa Ilocos Norte. Dati na rin umanong sumuko dahil sa ilegal na droga ang suspek.

"Ang coverage ng kaniyang operation is dahil dun sa accessibility dahil dun sa profession niya and doon sa trabaho niya sa pagmamake-up, fashion designer so sa buong province kaya niyang operasyon niya," ani Police Chief Master Sergeant Harold Nicolas.

ADVERTISEMENT
Hindi na nagpaunlak ng interview ang suspek pero itinanggi niyang sa kaniya ang mga nakuhang ilegal na droga.

Haharap siya sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.