Opisina ng LTFRB, pansamantalang magsasara | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Opisina ng LTFRB, pansamantalang magsasara

Opisina ng LTFRB, pansamantalang magsasara

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Inanunsiyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pansamantalang magsasarado ang kanilang central office mula Huwebes, Enero 6, hanggang Biyernes, Enero 7.

Ayon sa ahensya, hindi rin magiging aktibo ang kanilang 24/7 hotline na 1342 simula Huwebes hanggang Linggo, ika-9 ng Enero.

Sa isang pahayag, sinabi ng LTFRB na dadaan sa mass swab testing ang kanilang mga empleyado sa mga nasabing araw. Isasailalim din ang kanilang mga pasilidad sa masusing disinfection.

Kasunod ito ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

ADVERTISEMENT

Payo ng LTFRB, maaaring magpadala ng mensahe sa kanilang LTFRB Official Facebook page ang mga nais maghayag ng kanilang ulat o katanungan sa kanilang ahensya.

Maaari ring magpadala ng e-mail sa kanilang Public Assistance Complaints Desk (PACD) sa pacd@ltfrb.gov.ph.

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.