Omicron threat: Ano ang dapat gawin kung makaranas ng COVID-19 symptoms? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Omicron threat: Ano ang dapat gawin kung makaranas ng COVID-19 symptoms?

Omicron threat: Ano ang dapat gawin kung makaranas ng COVID-19 symptoms?

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ano ang mga dapat gawin oras na sumama ang pakiramdam, sa harap ng banta ng coronavirus disease (COVID-19) omicron variant at sa dami ng mga nagpapa-test?

Sabi ng pediatric infectious disease expert na si Dr. Anna Ong-Lim na oras na sumama ang pakiramdam lalo na kung may sintomas ng trangkaso ay dapat ituring agad ang sarili bilang COVID-19 positive.

Ngayon aniya, dapat bumukod kaagad sa sandaling magkasintomas at planuhin kung paano makakapagpa-test.

Paliwanag niya, bagama't wala pang datos na nagsasabing may community transmission na ng omicron variant, mas mabuti nang paghandaan ang worst-case scenario at isiping omicron ang tumama at malaki ang posibilidad na makapanghawa.

ADVERTISEMENT

"Huwag nating balewalain yung maliliit na sintomas so bumukod na tayo agad tapos magiging option na natin ngayon kung gusto pa nating magpa-test kasi ang problema may cost yung testing so pagkakagastusan natin yan siyempre," ani Ong-Lim.

"So ano ngayon ang option natin, pwede kang bumukod pakiramdaman mo yung katawan mo habang nakabukod ka kung di pa nawawala for several days malamang sa hindi covid na 'yun," dagdag niya.

Payo pa ni Ong-Lim, sakaling magpositibo ay unang dapat isipin kung pupunta sa ospital o manatili sa bahay at mag-telemedicine consultation para magabayan.

Kailangan aniyang magpahinga at uminom ng gamot kung may lagnat, sipon, at ubo.

Kung wala aniyang kakayahang maghiwa-hiwalay sa loob ng bahay ay mas mabuting manatiling naka-face mask.

Dapat ding gumawa ng magandang bentilasyon at hanggang maaari'y panatilihin ang isang metrong distansiya.

"So isipin na natin ngayon, dalawang araw bago sumumpong yung sintomas ko hanggang doon sa araw na ako ay nakabukod sino ba ang mga nakasama ko nang hindi ako naka-mask. More than 15 minutes kaming nagkasama at malapitan kasi yun ang aking mga close contact at dapat kong sabihan na dapat siguro pati kayo mag-abang kayo at bumukod na rin kung pwede," ani Ong-Lim.

Nitong Miyerkoles naitala ang dagdag na 10,775 COVID-19 cases sa bansa. Ayon sa mga awtoridad, nakapagtala na rin sila ng 31.7 porsiyentong positivity rate.

Ayon sa Department of Health, "assumed" na ang community transmission ng omicron variant na pinaniniwalaang mas nakahahawa kaysa sa delta variant pero nakakapagbigay umano ng mas mahihinang mga sintomas.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.