Iskedyul ng iba pang aktibidad kaugnay ng Traslacion inilatag | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Iskedyul ng iba pang aktibidad kaugnay ng Traslacion inilatag

ABS-CBN News
Published Jan 06, 2020 03:22 PM PHT
|
Updated Jan 06, 2020 07:43 PM PHT

(UPDATE) Inilatag ngayong Lunes ng pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene, o mas kilala bilang Quiapo Church, ang iskedyul ng iba pang mga aktibidad kaugnay ng taunang Traslacion.

Sa press conference, inanunsiyo ang pagkakaroon ng prusisyon at blessings o pagbabasbas sa mga replika ng Poong Nazareno sa Martes, Enero 7.

Mag-uumpisa sa ganap na alas-2 ng hapon ang prusisyon at pagbabasbas sa Quezon Boulevard sa tabi ng Quiapo Church.

Pupuwesto muli ang pari sa footbridge malapit sa simbahan at bawat replika na dadaan sa ilalim ay bebendisyunan gamit ang holy water.

Sa Enero 8, Miyerkoles, magsisimula sa alas-3 ng hapon ang programa sa Quirino Grandstand para sa tradisyunal na pahalik sa imahen ng Itim na Nazareno.

Muli ring pinaalala ng pamunuan ng Quiapo Church ang pagbabago sa ruta ng Traslacion, na dadaan sa Ayala Bridge sa halip ng nakagawiang Jones Bridge.

Nagpaalala rin ang pamunuan ng simbahan sa mga debotong sasali sa Traslacion na huwag nang magdala ng malalaking backpack o mabibigat na gamit.

Pinayuhan din ang mga magulang na magdala ng ID para sa kanilang mga anak sakaling isasama ang mga ito, at ang mga vendor na tumulong sa pagpapanatili ng kalinisan.

MGA DEBOTO DI PIPIGILANG MAKASAMPA, MAGBATO NG PANYO
Tiniyak naman ni National Capital Region Police Office director Brig. Gen. Debold Sinas na hindi pipigilan ng mga pulis ang mga deboto na sumampa, pumasan o magbato ng puting panyo sa andas, gaya ng mga nakagawian.

Mga pulis kasi ang papalibot sa magkabilang gilid at harapan ng andas para maiwasang magkasakitan ang mga taong magtatangkang sumampa, humawak ng lubid, o magbato ng panyo.

Inanunsiyo na rin ng lokal na pamahalaan ng Maynila na suspendido ang klase sa lahat ng antas sa Enero 9 para bigyang-daan ang Traslacion.

Nagpaalala rin si Manila Mayor Isko Moreno na magiging tow-away zone ang paligid ng Quiapo, Quirino Grandstand at rutang dadaanan ng Traslacion sa Enero 8 at 9 kaya imbes na magdala ng sasakyan, pinayuhan niya ang publiko na mag-commute o maglakad na lang.

Nanawagan din si Moreno sa mga politika na huwag maglagay ng mga tarpaulin ng pagbati dahil maging ito ay sagabal umano sa Traslacion.

Nasa 2.5 milyon tao ang inaasahang dadalo sa Traslacion, na inaasahang magiging mas mabilis ngayong taon kumpara sa prusisyon noong nakaraang taon na tumagal ng 22 oras.

-- May ulat nina Raphael Bosano at Johnson Manabat, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Traslacion
Traslacion 2020
Black Nazareno
Quiapo Church
Maynila
Isko Moreno
Pahalik
TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT