Suspek sa Christine Dacera case lumantad; kampo ng biktima may apela | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Suspek sa Christine Dacera case lumantad; kampo ng biktima may apela

Suspek sa Christine Dacera case lumantad; kampo ng biktima may apela

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA – Humarap sa media nitong Martes ang pamilya ng flight attendant na natagpuang patay sa isang hotel sa Makati City noong Enero 1 matapos ang isang party. Samantala, itinanggi naman ng isang lumantad na suspek ang mga akusasyon.

Kasama ang kaniyang mga abogado, hustisya ang hiling ni Sharon Dacera, ina ng 23 anyos na biktimang si Christine.

"Gusto ko lang manawagan, lalo sa lahat ng taong involved sa nangyari sa anak ko, kung inosente kayo lumabas kayo. Kung gusto niyo patunayan na wala kayong kasalanan, lumabas kayo," aniya.

Sa ngayon, may 11 respondents sa kasong rape-homicide na isinampa ng pamilya.

ADVERTISEMENT

Sabi ng abogado ng pamilya na si Jose Ledda III, itigil na ang kultura ng victim blaming o pagsisi sa babae tuwing siya ay naaabuso.

"[D]on't ever blame a girl na pagkagising niya binaboy siya... Don't ever blame a girl kapag namatay siya," ani Ledda.

Samantala, isa sa mga suspek na kasama sa naturang hotel party ang lumantad para linisin ang kaniyang pangalan at linawin ang nangyari noong selebrasyon.

Kuwento ni Gregorio de Guzman, na anak ng singer na si Claire dela Fuente, noong araw lang niya nakilala si Christine. Masaya daw sila sa New Year's Eve party kasama ang mga kaibigan.

Itinanggi niyang ginahasa nila ang biktima, na natagpuang walang malay sa bathtub ng kuwarto.

ADVERTISEMENT

Ayon pa sa ina ni De Guzman, miyembro ng LGBT community ang anak niya.

"Alam namin ang totoo, bakla anak ko, mahirap i-admit pero alam ko, matagal na, bata pa siya," ayon sa singer.

HOTEL PARTY

Sabi pa ni De Guzman, sa Room 2209 sila nagpa-party pero may mga kaibigan din silang nakiki-party sa kalapit na Room 2207.

Pero ang saya ay napalitan agad ng trahedya kinaumagahan.

Ilang pasa ang nakita sa katawan ni Christine at may indikasyon na inabuso ito. Walang nakitang palatandaan na sinakal o pinalo sa ulo.

ADVERTISEMENT

Ayon sa pulisya, ang ikinamatay niya ay ang pagputok ng ugat o ruptured aortic aneurysm.

"Because probably 'yung taas ng level ng toxicity ng alcohol and 'yung atakihin ka naman pag sobrang taas ng BP (blood pressure) mo," ani Police Col. Harold Depositar, hepe ng Makati police.

Walang nakuhang droga ang pulisya sa kuwarto na inupahan ng grupo.

'MASAYAHIN'

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa ngayon, walang katumbas na sakit ang nadarama ng mga malalapit na kaibigan ni Christine o Tin.

Sabi ni "Danna," kaibigan ng biktima, masayahin itong tao at mapagmahal sa pamilya.

ADVERTISEMENT

"Isa siyang tine-treasure ko na kaibigan, alam mo 'yung kaibigan na kahit may mangyari sa 'yo, andiyan siya para tumulong. Yan 'yung bihira mong mahanap sa mga tao ngayon," ani Danna.

Malapit din kay Christine ang nobyo ni Danna na si Andrei.

Katunayan, nagbabala rin si Andrei kay Christine tungkol sa party na dinaluhan nito.

"Nag-reply ako sa story niya... Sabi ko baka mapaano ka diyan. Sabi niya, 'Nega, 'day, kasi mas mga babae pa ito sa akin,'" ayon kay Andrei.

Hindi nila akalaing iyon na pala ang kanilang huling pag-uusap.

ADVERTISEMENT

Nitong Martes ay naghain na ng show-cause order ang Department of Tourism sa City Garden Grand Hotel sa Makati kung saan nag-check-in si Christine kasama ang mga kaibigan para magdiwang ng bagong taon.

Tatlong araw ang ibinigay na palugit ng DOT sa hotel para magpaliwanag kung bakit hindi dapat suspendihin o bawiin ang accreditation nito.

–Mula sa ulat nina April Rafales at Jeck Batallones, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.