4 na Pilipinong mangingisda, nasagip sa Malaysia | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

4 na Pilipinong mangingisda, nasagip sa Malaysia

4 na Pilipinong mangingisda, nasagip sa Malaysia

Jervis Manahan,

ABS-CBN News

Clipboard

PUERTO PRINCESA - Apat na Pilipinong mangingisda na mula pa sa Navotas ang nasagip sa Malaysia, isang linggo matapos manalasa ang bagyong Vinta.

Na-rescue ng Malaysian Marines at naipasa na sa pangangalaga ng local government unit ng Taganak Island (Turtle Island) na bahagi ng Tawi-tawi ang mga mangingisda na sina Arnel Viana, Tomas Taboso, Joseph Jarina, at Roger Chavez, ayon sa mga opisyal mula sa Palawan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Ayon sa tagapagsalita ng Palawan Provincial Government, nasa maayos na kondisyon na ang apat na lalaki nang dalhin sa Tawi-tawi noong ika-29 ng Disyembre 2017.

Bukod sa 4 na nasagip, 3 bangkay pa umano ang inanod sa Malaysia.

ADVERTISEMENT

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga nasawi.

Daan-daan ang namatay at libu-libo ang nawalan ng tahanan sa paghagupit ng bagyong Vinta sa ilang parte ng Palawan, Visayas, at Mindanao ilang araw bago mag-Pasko.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.