Magkapatid nalunod sa dagat sa pagsalubong ng Bagong Taon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Magkapatid nalunod sa dagat sa pagsalubong ng Bagong Taon

Magkapatid nalunod sa dagat sa pagsalubong ng Bagong Taon

ABS-CBN News

Clipboard

Dalawang magkapatid na mga dating seaman ang nalunod matapos maligo sa dagat sa Mayorga, Leyte sa pagsalubong ng Bagong Taon, Enero 1.

Sa imbestigasyon ng Mayorga PNP, tanghali noong Linggo nauwi sa trahedya ang masaya sanang pagtitipon ng pamilya Oledan.

Habang naliligo umano ang pamilya sa dagat sa bahagi ng Brgy. Liberty, sinagip ng magkapatid ang isang miyembro ng pamilya na humingi ng saklolo dahil natatangay ito ng malaking alon.

Nang mailigtas ng mga biktima ang kasamahan, bumalik ang dalawa sa dagat para maligo pero hinampas umano sila ng malaking alon at naanod sila.

ADVERTISEMENT

Agad nakita ang biktimang si Pastor Oledan, 56. Naisugod pa siya sa Abuyog District Hospital ngunit dineklara din siyang patay na ng doktor.

Dahil sa masamang panahon nahirapan, ang mga rescuer na mahanap agad ang katawan ng kapatid nito na si Geronimo Oledan.

Natapos ang paghahanap ng mga rescuer sa katawan ni Geronimo nitong Martes ng hapon sa bahagi ng Mayorga na malapit sa bayan ng MacArthur.—Ulat ni Ranulfo Docdocan

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.