Comelec naghahanda na para sa special election sa Cavite | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Comelec naghahanda na para sa special election sa Cavite

Johnson Manabat,
ABS-CBN News
Published Jan 04, 2023 08:10 PM PHT

MAYNILA - Puspusan na ang paghahanda ng Commission on Elections (Comelec) para sa gaganaping special election sa ika-7 distrito ng Cavite sa darating na Pebrero 25.

Ito ay para sa nabakanteng puwesto ni dating congressman at ngayo’y Justice Secretary Jesus Crispin "Boying" Remulla.

Kasama sa mga lugar na nasa ilalim ng 7th Legislative District ng lalawigan ng Cavite ay ang Amadeo, Indang, Tanza at Trece Martirez City.

Sa datos ng Comelec, mayroong kabuuang 116 na barangay sa nasabing mga bayan at lungsod.
Sa datos ng Comelec, mayroong kabuuang 116 na barangay sa nasabing mga bayan at lungsod.
ADVERTISEMENT
Dalawampu't anim na barangay ang bumubuo sa Amadeo, 36 sa Indang, 41 sa Tanza, at 13 sa Trece Martirez.

Mayroong 2,106 polling precincts at 75 voting centers sa 7th District ng Cavite kung saan mayroong 355,184 na rehistradong botante.

Pinakamarami ang mga rehistradong botante sa bayan ng Tanza na aabot sa 159,950, na sinusundan ng 119,511 na botante sa Trece Martirez.

Sa bayan ng Indang ay mayroong 46,522 registered voters, habang sa Amadeo ay mayroong 28,171.

Sabi ni Comelec spokesman John Rex Laudiangco, naipadala na ang nasabing mga impormasyon sa National Printing Office na siyang pagbabasehan para sa pag-iimprenta ng mga kinakailangang balota.

KAUGNAY NA BALITA
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT