Akyat-bahay na pinaghihinalaang dating nangaroling, tinutugis | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Akyat-bahay na pinaghihinalaang dating nangaroling, tinutugis

Akyat-bahay na pinaghihinalaang dating nangaroling, tinutugis

ABS-CBN News

Clipboard

Itinulak ng suspek ang isa sa mga air-con ng kuwarto na siya niyang nilusutan para mapasok ang pinagnakawang bahay. Screengrab

Pinaghahanap na ng Quezon City Police District (QCPD) ang umano'y akyat-bahay na nakuhanan pa ng CCTV habang nilolooban ang isang bahay sa Greater Lagro, Quezon City.

Sa kuha ng CCTV, makikitang paikot-ikot sa bahay ng mga biktima ang salarin. Sinubukan pa nitong buksan ang pintuan pero muling nag-ikot sa bahay kung saan tangay na pala ang mga alahas at mahahalagang gamit ng mga biktima.

Ayon sa mga biktima, kinalas at itinulak ang air-con sa isang kuwarto kung saan dumaan ang salarin.

Sa loob lamang ng isang minuto ay nalimas ang mga mahahalagang gamit ng mga biktima. Suwerte naman na hindi nabuksan ang kuwarto ng mag-asawang biktima na galing sa party noong Disyembre 26.

ADVERTISEMENT

May hinala ang mga biktima kung sino ang nanloob sa kanila.

"Sinamantala niya na pagod kami galing sa party. Hinala namin ay ito 'yung mga kunwari nangangaroling pero tinitiktikan na pala ang bahay namin kasi palinga-linga at nagmamasid sila sa lugar namin eh," ayon sa biktima.

Nai-report na ng mga biktima sa QCPD at Barangay Greater Lagro ang insidente.

Nanawagan naman ang mga opisyal ng barangay at ang QCPD station 5 na makipag-ugnayan agad sa kanila sakaling namumukaan ang suspek na nakuhanan ng CCTV.

—Ulat ni Doland Castro, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.