Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Tondo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Tondo

Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Tondo

Kevin Manalo,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Patay ang isang kagawad ng barangay at isang babae sa loob mismo ng kanilang bahay matapos pagbabarilin ng dalawang lalaki sa Tondo, Maynila Martes ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Kagawad Rose Constantino at ang kanyang anak-anakan na si Jan Kheyt Garcia.

Ayon sa mga nakakita, bigla na lamang pumasok sa bahay ng mga biktima ang isang lalaking nakasuot ng helmet at may hinahanap. Nang hindi niya ito makita, pinaputukan na niya ang dalawang biktima.

Bago ang insidente, nakita sa CCTV ng Baranga 36 na dalawang beses nagpabalik balik ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo.

ADVERTISEMENT

Sa ikatlong beses, bumaba na sila sa motor at doon na naganap ang insidente.

Unang binaril si Constantino, bago si Garcia. Ayon sa mga kaanak niya, wala raw itong nakakaaway. Sa katunayan, malapit siya sa mga kapitbahay at kinukupkop ang mga kabataan sa kanilang lugar.

Ikalawa si Garcia sa labindalawang magkakapatid. Nakatakda na itong pumunta sa Dubai para magtrabaho at makatulong sana sa pag-aaral ng mga kapatid.

Nananawagan ang parehong pamilya ng kalinawan sa mga nangyari. Kapwa deboto ng Nazareno ang dalawang biktima. Plano nilang sumama sa gaganaping traslacion kaya nagpatahi pa sila ng mga damit, pero ngayon, ang kanilang mga naiwan na ang magtutuloy ng panata.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.