'Virtual' na paggunita sa Pista ng Nazareno nagsimula na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Virtual' na paggunita sa Pista ng Nazareno nagsimula na

'Virtual' na paggunita sa Pista ng Nazareno nagsimula na

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Nagsimula na ang ikalawang "virtual" na "pahalik" sa Poong Nazareno ngayong Lunes.

Ayon kay Bayan Patroller David John Torres, isa sa mga lumikha ng "Virtual Quiapo Church" sa online gaming app na Roblox, binuksan nila alas 12 ng tanghali ang online na simbahan kung saan pwedeng lumahok sa tradisyunal na "pahalik" ang mga deboto ng Black Nazarene.

Pangalawang taon na nila itong ginagawa upang magpatuloy ang paglahok ng mga kabataang tulad niya sa paggunita sa Pista ng Itim na Poong Nazareno kahit nasasailalim ang bansa sa pandemya at lockdown dulot ng COVID-19.

Sa ganitong mga paggunita na nananatiling virtual, naiiwasan ang exposure sa maraming tao na maaaring maging sanhi ng hawahan, sabi ni Torres.

ADVERTISEMENT

Sakto rin ang pagbubukas ng "Virtual Quiapo Church" sa anunsyo ng gobyerno na isasailalim muli ang buong Metro Manila sa Alert Level 3 matapos magtala ang Department of Health ng 20 percent na COVID-19 positivity rate nitong Linggo.

"Lalong mas kailangan ng mga ganitong event para sa kabataan lalo't mas hinigipitan na sa City of Manila ang paglabas ng mga kabataan at vulnerable individuals," ani Torres.

Naglunsad ng "Virtual Traslacion" ang grupo nila Torres na Roblox Filipino Catholics noong isang taon para gunitain ang Pista ng Itim na Poong Nazareno.

Nagtala sila ng 6,000 "unique users" sa loob lamang ng anim na oras na game log. Umabot din umano sa mahigit 100,000 ang viewers ng event noong 2021.

Ayon kay Torres, may mga updated features ang kanilang site para mas maraming makalahok na mga kabataan. Nagdagdag din sila ng events tulad ng "Virtual Vigil" na magaganap sa bisperas ng pista sa January 8, mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-12 ng hatinggabi.

Ito ang schedule ng virtual activities para sa paggunita ng Pista ng Itim na Poong Nazareno ngayong 2022:

  • -January 3-7

Virtual "Pahalik" - 12:00 p.m. - 9:00 p.m. (Virtual Quiapo Church)

  • - January 7

Virtual Replica Procession - 2:00 p.m.

  • -January 8

Virtual Vigil - 12:00 p.m. - 12:00 a.m. (Virtual Quirino Grandstand)

  • -January 9

Virtual Traslacion 3:00 PM onwards

KAUGNAY NA ULAT

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.