Grupo ng kabataan gumawa ng virtual 3D replica ng Poong Nazareno, Quiapo Church

ABS-CBN News

Posted at Jan 09 2021 10:36 AM

Watch also in iWantTFC

Isang grupo ng mga kabataan ang gumawa ng virtual 3D replica ng Poong Nazareno at Quiapo Church gamit ang online gaming platform na Roblox.

Sinabi ni David John Torres na ginawa nila ang replica para maipakita sa mga kabataan ang Traslacion, o ang grand procession ng poon, na kinansela ngayong taon dahil sa pandemya.

“Para makita rin ng mga kabataan yung pananampalatayang Kristiyano at pananampalatayang Katoliko ay buhay na buhay sa kabila ng pandemya,” sabi ni Torres.

Idinagdag pa ni Torres na tumagal ng ilang buwan bago nila natapos ang replica para maging pulido at maayos ito.

“Sinisigurado po natin na itong gagawin po natin ay isang solemn na occasion, hindi po ito laro-laro at hindi po ito tatratuhin na parang laro kung di isa po itong pagpapahayag ng isang masidhing pananampalataya at debosyon ng mga kabataan sa Nuestro Padre Jesus Nazareno,” ani Torres.

- TeleRadyo 9 Enero 2021