Patay na sanggol natagpuan sa karton sa Ilocos Sur | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Patay na sanggol natagpuan sa karton sa Ilocos Sur

Patay na sanggol natagpuan sa karton sa Ilocos Sur

Ria Galiste,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 03, 2020 05:16 PM PHT

Clipboard

Duguan at nakasilid sa karton ang sanggol na tinatayang nasa pitong buwan nang matagpuan sa Barangay Alfonso sa bayan ng Gregorio del Pilar, Ilocos Sur. Larawan mula sa Gregorio del Pilar Police


GREGORIO DEL PILAR, Ilocos Sur – Palaisipan pa rin sa awtoridad at mga residente ng Barangay Alfonso ang pagkakadiskubre sa bangkay ng isang sanggol.

Isa umanong teenager ang nakakita sa sanggol noong Disyembre 30 at agad niyang ipinagbigay-alam ito sa awtoridad.

Tinatayang nasa 7 buwan ang sanggol na nakabalot sa duguang tela at inilagay sa karton.

Dinala ang sanggol sa barangay hall at binigyan din ng pormal na libing.

ADVERTISEMENT

Inaalam pa ng Rural Health Unit kung itinapon lamang sa kanilang lugar ang sanggol. Sa tala nila, wala umanong pitong buwang buntis sa kanilang lugar.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.