Mga taxi driver na tumatanggi, nangongontrata ng pasahero, natiketan sa QC | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga taxi driver na tumatanggi, nangongontrata ng pasahero, natiketan sa QC

Mga taxi driver na tumatanggi, nangongontrata ng pasahero, natiketan sa QC

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Hindi bababa sa 10 taxi driver ang natiketan sa tapat ng ilang bus terminal sa EDSA Cubao sa Quezon City matapos maaktuhang nangongontrata at tumatangging magsakay ng mga pasahero nitong Biyernes.

Ayon kay Police Col. Emmanuel Tabuena, hepe ng traffic enforcement unit ng Highway Patrol Group, P500 hanggang P700 umano ang bayad na hinihingi ng mga tsuper sa mga pasahero, kahit sa Quezon City lang din ang destinasyon.

Giit naman ng ibang mga driver, mga pasahero ang nangongontrata sa kanila. Ang iba naman, sinabing may mga nakaharang na bus kaya hindi sila makapagsakay.

Nasa P5,000 pataas ang multa ng mga natiketang driver.

ADVERTISEMENT

Bukod sa mga regular taxi, nasita rin ang ilang driver ng motorcycle taxis dahil sa tapat ng mga bus terminals sila naghihintay ng mga pasahero.

- Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.