Bahagi ng kalsada sa Infanta, gumuho

Paulo Ferrer, ABS-CBN News

Posted at Jan 02 2019 09:04 AM | Updated as of Jan 02 2019 11:44 AM

Pansamantalang isinara muna sa mga motorista ang Infanta-Marikina Road sa Quezon matapos na gumuho dahil sa patuloy na pag-ulan sa lugar. Larawan mula kay Brenda Azcarraga Yu

INFANTA, Quezon – Gumuho ang bahagi ng isang kalsada sa bayan ng Infanta dahil sa patuloy na pag-ulan sa lugar.

Batay sa impormasyon mula kay Chief Inspector Lowell Atienza, alas-4 ng madaling araw ng Martes nang madiskubre ang butas sa kalsadang sakop ng Barangay Magsaysay.

Isinara na ngayon sa mga motorista ang Infanta-Marikina Road.

Maaari namang gamiting alternate na ruta patungong Maynila ang Infanta-Famy Road na lalabas naman sa Antipolo City.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.