5 drug suspect napatay sa Quiapo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
5 drug suspect napatay sa Quiapo
5 drug suspect napatay sa Quiapo
ABS-CBN News
Published Jul 03, 2016 11:19 AM PHT
|
Updated Jul 03, 2016 06:06 PM PHT

TINGNAN: 5 lalaking sangkot umano sa ilegal na droga, napatay sa police operation sa Quiapo, Mnl pic.twitter.com/Sqs7Goagrm | @zhandercayabyab
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) July 3, 2016

MAYNILA -- Limang hinihinalang notoryus na drug pusher ang napatay ng mga pulis sa Quiapo, Maynila Linggo ng umaga.

Ayon kay C/Insp. Michael Garcia, hepe ng Barbosa Police Community Precinct, matagal na nilang minamanmanan ang mga suspek na kilalang nagtutulak ng droga sa Islamic Center at Golden Mosque area.

Tumatawid-tawid pa anya sa estero ang mga ito para makapag-deliver ng droga.

Dagdag ni Garcia, madalas nakakatakas ang mga suspek mula sa mga pulis dahil sa lagusan sa estero na matatagupan sa likuran ng kanilang tinutuluyang bahay at matatawid sakay ng bangkang-de-hila.
Sa operasyon ngayong Linggo, armado umano ang mga supek na inabangan ang mga pulis na pumasok sa compound ng kanilang barong-barong sa kanto ng Castillejos at Duque De Alba streets.

Napatay ang mga lalaki matapos umanong makipagbarilan sa mga operatiba.

Wala namang nasaktan sa panig ng pulisya.

Narekober sa lugar ang apat na magkakaibang uri ng baril, mga bala, pera at tinatayang 200 gramo ng shabu.

Baril, bala, at nasa 200 gramong shabu narekober sa bahay ng 5 napatay na suspek sa Quiapo Mla pic.twitter.com/xyrNhFCvHU | @zhandercayabyab
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) July 3, 2016
Baril, bala, at nasa 200 gramong shabu narekober sa bahay ng 5 napatay na suspek sa Quiapo Mla pic.twitter.com/xyrNhFCvHU | @zhandercayabyab
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) July 3, 2016
Naniniwala ang pulisya na bahagi ng organisadong grupo ang mga napaslang na suspek.

Naniniwala ang pulisya na bahagi ng organisadong grupo ang 5 napatay na drug suspects sa Quiapo pic.twitter.com/wL9WCyTRiL | @zhandercayabyab
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) July 3, 2016
Naniniwala ang pulisya na bahagi ng organisadong grupo ang 5 napatay na drug suspects sa Quiapo pic.twitter.com/wL9WCyTRiL | @zhandercayabyab
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) July 3, 2016
Namataan sa labas ng compound ang ilang hinihinalang kaanak ng mga napatay subalit tumanggi silang magbigay ng pahayag. -- Ulat ni Zhander Cayabyab, DZMM