Libreng kurso sa wika, handog ng TESDA | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Libreng kurso sa wika, handog ng TESDA

Libreng kurso sa wika, handog ng TESDA

ABS-CBN News

Clipboard

Magtatrabaho ka ba sa ibayong-dagat at kailangan mo bang matutunan ang wika ng bansang pupuntahan mo?

Handog ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng libreng kurso para sa ilang piling wika.

Ayon kay Atty. Teodoro Pascua, Deputy Director General for TESDA operations, sa ngayon ay itinuturo ng TESDA ang mga wikang Ingles, Hapon, Koreano, Mandarin, Arabo, at Espanyol.

Tatagal ng tatlong linggo o 150 oras ang kurso sa wikang Hapon habang dalawang linggo o 100 oras naman ang haba ng mga nalalabing kurso.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa ni Pascua, bukod sa wika, kanila ring ipinaliliwanag ang kulturang kaakibat nito.

Mayroong 35 sites ang TESDA sa buong bansa kung saan maaaring mag-enroll.

Ang mga interesadong mag-aral ay dapat 18 anyos pataas at nakapagtapos ng high school.

Magdala lamang ng birth certificate, school record, tatlong 1x1 photo at isang 2x2 photo kapag nagtungo sa center.

Makikita na rin aniya sa mga learning center ang iskedyul ng pagsisimula ng mga kurso sa wika.

Diin naman ni Pascua, "Binibigyan namin ng priority ang nakatakda nang umalis at pangangailangan ang lengguwahe sa kanyang trabaho." Dalhin lamang aniya ang kontrata upang mabigyan ng prayoridad kapag nagpalista.

Sa kasalukuyan ang mga klase ay nakatakda alas-7:30 hanggang alas-11:30 ng umaga at alas-12:30 hanggang 4:30 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.

Paliwanag ni Pascua, "Bound din kami sa rules ng government. Ang talagang requirement sa government, Monday to Friday and anything beyond that is overtime. E hindi naman dapat overtime ang regular teaching."

Pinag-aaralan aniya ngayon ng TESDA kung paano maibabagay ang iskedyul ng klase para sa mga nagta-trabahong sa gabi o weekends lamang kayang pumasok sa TESDA.

Pagtitiyak naman ni Pascua, madaling matuto ng ibang wika ang mga Pinoy. "Filipinos are able to adapt to languages, in the same way that they are able to adapt to certain cultures."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.