Lechonero: Patok sa Pasko! | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lechonero: Patok sa Pasko!

Lechonero: Patok sa Pasko!

Fernando G Sepe Jr,

Mark Demayo,

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 14, 2025 04:31 PM PHT

Clipboard

Si Nedboy Torres, lechonero ng La Loma mula pagkabinata, patuloy na nagsisilbi ng lechon tuwing panahon ng Pasko. Mark Demayo, ABS-CBN News
Si Nedboy Torres, lechonero ng La Loma mula pagkabinata, patuloy na nagsisilbi ng lechon tuwing panahon ng Pasko. Mark Demayo, ABS-CBN News

Sabi ng iba, hindi kumpleto ang Noche Buena kung walang lechon.

Sa La loma, na binansagang Lechon Capital of the Philippines, ang presyo ng buong lechon ay minimum P15,000 kapag panahon ng Pasko, at pwede pang tumaas habang papalapit nang ang mismong araw ng Pasko at.Bagong Taon.

Sa ganitong presyohan, iisipin mong iilan na lang ang makakabili ng lechon panghanda.

Ngunit ang mga panahong ito din ang inaasam-asam na panahon ng mga lechonero tulad ni Nedboy Torres.

ADVERTISEMENT

Si Nedboy ay mahigit apatnapung taon nang tindero ng lechon sa La Loma. Disisais anyos pa lang nang dumayo siya sa Maynila at mula noon ay hindi na niya iniwan ang trabaho sa lechonan.

Kasama na sa tradisyon ng ilang pamilyang Pilipino ang paghahanda ng lechon para sa Noche Buena sa araw ng Pasko. Mark Demayo, ABS-CBN News
Kasama na sa tradisyon ng ilang pamilyang Pilipino ang paghahanda ng lechon para sa Noche Buena sa araw ng Pasko. Mark Demayo, ABS-CBN News

"Wala ng ibang ano e, dito lang kami nagta-trabaho talaga, yun lang ang alam namin. Siyempre mahal kami ng boss namin, kaya tumatagal kami dito," kuwento ni Nedboy.

Ngayon ay 58 years old na si Nedboy at masaya siyang napag-aral ang mga anak sa sahod na nagmula sa lechonan.

Malaki rin ang pasasalamat ni Nedboy kapag ganitong panahon ng Pasko dahil dito bumabawi ang mga may ari katulad ng amo ni Nedboy. Sabi nga ng iba, sa huling tatlong buwan lang ng taon ay bawi na ang buong taon ng negosyo ng magle-lechon. Kaya kahit dagsa ang mga customer sa ganitong panahon, di iniinda ni Nedboy ang pagod.

"Sa amin naman kasi e, kahit pagod kami kailangan galaw pa rin, 'yan ang kailangan kasi dun lang bumabawi yung amo namin dito sa lechonan," sabi ni Nedboy.

Pero, masaya nga ba ang trabaho bilang lechonero?

Sa pamamagitan ng lechon, natataguyod ni Nedboy ang kanyang pamilya, habang nakapagpapasaya ng ibang pamilya sa panahon ng Pasko. Mark Demayo, ABS-CBN News
Sa pamamagitan ng lechon, natataguyod ni Nedboy ang kanyang pamilya, habang nakapagpapasaya ng ibang pamilya sa panahon ng Pasko. Mark Demayo, ABS-CBN News

"Siempre po masaya kami sa trabaho namin, yun ang importante. Unang-una kapag gusto mo yung trabaho, masaya ka. Pangalawa, yung mga kasama mo, happy kayo kasi walang diperensya sa samahan niyo, kaya ganun."

Sa La Loma, kung saan tinuturing na halos pare-pareho na ang lechon, may sikreto pa ba ang bawat isang tindero para maka-akit ng mga customer?

"Siempre po ang kailangan sa lechon pasasarapin, lulutuin ng mabuti, para ang mga customer babalik-balik," ani Nedboy.

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.