Donasyong nakalap sa ABS-CBN fund raising concert, umabot sa halos P2 milyon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Donasyong nakalap sa ABS-CBN fund raising concert, umabot sa halos P2 milyon

Donasyong nakalap sa ABS-CBN fund raising concert, umabot sa halos P2 milyon

Johnson Manabat,

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 25, 2021 09:12 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA (UPDATED) — Umabot sa halos P2 milyon ang nakalap na donasyon para sa mga biktima ng bagyong Odette sa fund raising concert ng ABS-CBN Foundation nitong Huwebes.

Matagumpay ang isinagawang benefit concert ng ABS-CBN at ABS-CBN Foundation na "Tulong-Tulong sa Pag-ahon" na naglalayong makakalap ng karagdagang pondo para sa mga biktima ng nagdaang bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.

Ayon kay ABS-CBN Foundation Sagip Kapamilya Program Head Earl Bacabac, hahati-hatiin ang nakalap na pondo mula sa concert para sa mga apektado ng bagyo sa Visayas at Mindanao.

“Sa kabuuan po mahigit P15 million na po tayong nakalap na mga donasyon in-kind at in-cash at ito po 'yung ibabahagi natin sa ating mga kababayan at part po doon mahigit P8 million na po 'yung naipamahagi natin,” ani Bacabac.

ADVERTISEMENT

Aminado si Bacabac na may mga hamon pa rin sa pangangalap ng pondo at pamamahagi nito lalo na at hindi pa rin humuhupa ang COVID-19 pandemic.

“In terms po sa paghahatid ng tulong, nakikita natin na logistically it’s a challenge sa ngayon… given na iba-ibang organisasyon ang gustong tumulong. Nagkaroon tayo ng mga local partners … hinati-hati natin 'yung iba’t-ibang lugar at iba’t-ibang isla para mas mapabilis nung pagsasagawa ng humanitarian action,” ani Bacabac.

Aniya, bukod sa mga relief goods at basic needs gaya ng inuming tubig at pagkain, kasama din sa pagkakagastusan ng Sagip Kapamilya ay ang pagbili ng ilang mga construction materials bilang tulong sa pagsisimulang makapagtayo ng mga nasirang bahay ng mga binagyo.

Taos puso ang pasasalamat ng ABS-CBN Foundation sa mga tumulong at nais pang magpa-abot ng tulong sa mga biktima ng bagyo.

“Sa ngayon po ang ABS-CBN Foundation tayo po ay nagpapasalamat sa bawat kapamilya natin na nagpahatid na ng tulong at sa mga magpapahatid pa ng tulong. Alam po natin na maraming kapwa Pilipino na may mabubuting loob, sana naman po patuloy nating suportahan 'yung ating mga kababayan na sa ngayon ay talagang iniinda pa rin ang naging epekto ng typhoon Odette," aniya.

"Sa mga kapamilya natin na naapektuhan, asahan po ninyo na ang ABS-CBN Foundation ay laging handang maglingkod sa inyo.”

Ayon kay Bacabac, maaari rin na dalhin ang mga in-kind donations sa warehouse ng SAGIP Kapamilya sa Examiner Street sa Quezon City at bukas din aniya ang mga drop-off center ng ABS-CBN Foundation sa mga probinsiya gaya sa Bacolod City, ABS-CBN Regional Station sa Cebu at Transfiguration Hall sa Palo Metropolitan Cathedral sa Leyte, Holy Name University sa Tagbilaran Bohol at Saint Paul University sa Surigao City.

PANOORIN ANG BUONG CONCERT:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.