Tips sa paghahanap ng karelasyon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tips sa paghahanap ng karelasyon

Tips sa paghahanap ng karelasyon

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ipinunto ng isang motivational speaker na isa sa mga dahilan kung bakit nahihirapan ang isang taong makahanap ng karelasyon ay dahil sa mga maling paniniwala hinggil sa pag-ibig.

Sa programang "Sakto" ng DZMM, ibinahagi ng motivational speaker na si Velden Lim ang ilan sa mga umano'y "kalokohang" pinaniniwalaan sa paghahanap ng karelasyon.

Ayon kay Lim, hindi nadadaan sa kaugalian lang ang pagpukaw ng pansin ng posibleng karelasyon.

Maigi umanong matutuhang maging maayos sa panlabas na hitsura dahil ito ang nag-uudyok para mas kilalanin pa ang isang tao.

ADVERTISEMENT

"Kahit mabait ka, kung palpak 'yong packaging mo, 'di ka nag-aayos, 'di ka naliligo ... walang makakapansin sa'yo," paliwanag ni Lim.

"Of course, character is the most important thing but at the end of the day, kung 'di ma-attract, paano nila makukuha 'yong opportunity to get to know you more?" ani Lim.

Para kay Lim, nakababahala rin ang mga taong inaasa sa "destiny" o tadhana ang pagkakaroon ng buhay pag-ibig.

Hindi umano nakasalalay sa pagkakataon at mga pangyayari ang oportunidad na makahanap ng karelasyon.

Dapat may pagkukusa ang isang taong gumawa ng paraang makakilala ng posibleng nobyo o nobya, gaya ng pagdalo sa mga social gathering.

"Importante sa mga singles to go out there, to be seen, to be known," ani Lim.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Bukod sa tadhana, mali rin umano ang paniniwala sa "spark," na kolokyal na tawag sa "love at first sight" o agarang atraksiyon sa isang tao.

Bagaman salik ang panlabas na hitsura, hindi dapat maging balakid ito upang hindi na lubusang kilalanin ang isang tao.

Hindi rin dapat maging balakid ang masamang impresyon sa isang tao lalo na kung unang beses mo pa lang itong makilala.

"Try to know the person more after the first date," payo ni Lim.

Maiging patuloy na kilalanin pa ang isang tao dahil maaaring magbago ang pagtingin o pagkakakilala sa kaniya.

Mali rin aniya ang paghahanap ng karelasyon para sa layuning makapag-asawa at ang paniniwalang ang pag-aasawa ang lubusang makapagpapasaya sa isang tao.

Hindi dapat kinamumuhian ang pagiging single o walang karelasyon.

Mahalaga umano ang pagpapahalaga sa sarili para hindi ibinabaling ang pansariling kaligayahan sa karelasyon, lalo pa kung walang katiyakan ang pagsasama.

"Kung 'di ka masaya maging single, lahat ng problema mo iaasa mo sa kaniya, 'yong worth mo nasa kaniya," ani Lim. "Kapag iniwan ka niya, 'yong worth mo nakatali sa kaniya."

Suliranin din ang mga taong nagsasabing wala silang panahong umibig at nagbibigay ng maraming katuwiran, gaya ng pagiging abala sa trabaho.

"Minsan ginagawa lang nilang excuse ‘yon ... [kasi] takot masaktan o kaya wala lang talaga dumadating," ani Lim.

Wala naman umanong mali kung nais magpakalunod sa trabaho pero dapat maglaan din ng oras kung nais magkaroon ng buhay pag-ibig.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.