Agaw-pansin ang Christmas tree sa Laoag City na gawa sa iba't ibang klase ng gulay. Larawan mula kay Kagawad Manny Morales
LAOAG CITY - Agaw-pansin ang isang Christmas tree sa Laoag City, na gawa sa iba’t-ibang klase ng gulay.
Ginamit ang pechay at ang mga dahon ng talong, ampalaya, serpentina, kamote, alugbati, sili at papaya sa paghugis ng Christmas tree na may taas na 7 talampakan.
Bawang at sibuyas naman ang ginawang palamuti sa Christmas tree.
Ang Veggies Christmas tree ay ideya ng Cluster One na binubuo ng limang barangay sa Laoag City - ang Barangay 1,2,3,4 at 5.
“Naisipan namin na gulay sa paggawa ng Christmas tree dahil mayaman sa gulay ang aming mga barangay, at para i-mensahe na kailangan natin ng gulay para maging healthy ang katawan, lalo’t may pandemya,” ayon kay Chairman Dan Toledanes ngayong Miyerkoles.
Ang paggawa ng kakaibang Christmas tree ay bahagi ng Christmas Competition ng lokal na pamahalaan.
Ang Veggies Christmas tree ay hinirang na kampeon sa kompetisyon.
RELATED VIDEO
- Ulat ni Dianne Dy-Asuncion
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Laoag City, Ilocos Norte, veggie Christmas tree, Christmas tree, Pasko, Tagalog news, regions, regional news, Christmas 2020, Christmas 2020 Philippines