Fluvial parade, mga pagtatanghal tampok sa Shariff Kabunsuan Festival | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Fluvial parade, mga pagtatanghal tampok sa Shariff Kabunsuan Festival

Fluvial parade, mga pagtatanghal tampok sa Shariff Kabunsuan Festival

ABS-CBN News

Clipboard

Mga bangkang ipinarada sa ilog at mga pagtatanghal na nagbabalik-tanaw sa kasaysayan ang ilan sa mga bumidang aktibidad sa pagdiriwang na ika-22 Shariff Kabunsuan Festival sa Cotabato City, na umarangkada ngayong Linggo.

Ginugunita sa pista, na may mga aktibidad hanggang Disyembre 31, ang pagdating ng Arab missionary na si Shariff Kabunsuan sa Cotabato.

Isa sa mga highlight ng pista ngayong Linggo ang Guinakit Fluvial Parade kung saan binihisan ng mga palamuti ang mga fishing vessel na ipinarada sa ilog sa lungsod.

Ang Guinakit ang bangkang ginamit noon ni Shariff Kabunsuan nang maglagay at dumaong siya sa Cotabato, kung saan ipinalaganap niya ang relihiyong Islam.

ADVERTISEMENT

Sa kasaysayan ng Islam sa Mindanao, sinalubong si Shariff Kabunsuan ng magkapatid na Tabunaway at Mamalu.

Niyakap ni Tabunaway ang Islam habang patuloy na itinaguyod ni Mamalu ang mga nakagawiang paniniwala, na ngayo'y kinikilala bilang kultura ng mga katutubong Teduray.

Sa kabila ng pagkakaiba ng paniniwala, napanatili ni Tabunaway at Mamalu ang katahimikan sa kanilang lugar, base sa mga kuwento.

Layon ng pista na maitatak sa isip ng mga taga-Cotabato ang naging epekto ng makasaysayang pagdaong ni Shariff Kabunsuan, ayon sa city tourism officer na si Gurlie Frondoza.

"We want them to have a good appreciation of the history of Shariff Kabunsuan, the brothers Tabunaway and Mamalu. 'Yong noon they resolve conflicts among themselves, is the peace being enjoyed up to now," ani Frondoza.

Nagsagawa rin sa plaza ng lungsod ng pagsasadula ng kuwento ni Shariff Kabunsuan, at ang pagsayaw ng Sagayan, isang war dance ng mga taga-Maguindanao.

Ilan sa iba pang aktibidad ng pista ang halal forum, crab festival, at streetdancing competition.

-- Ulat ni Lore Mae Andong, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.