TIPS: Mga regalo, palamuting 'kontra malas' sa Kapaskuhan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TIPS: Mga regalo, palamuting 'kontra malas' sa Kapaskuhan

ABS-CBN News
Published Dec 14, 2018 10:36 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Naghahanda ka na ba para sa Pasko?
Naghahanda ka na ba para sa Pasko?
Ngayong papalapit ang Pasko, alamin kung ano ang pampasuwerte at 'malas' na regalo't palamuti, ayon sa isang feng shui expert.

Ayon kay Master Hanz Cua, may mga bagay na maaaring iwasan sa paglalagay ng mga palamuti.

Halimbawa rito ang paglagay ng Christmas tree sa tapat ng toilet, dahil itinataboy nito ang prosperity. Bawal din daw itong ilagay sa ilalim ng hagdan dahil "inaapakan" ang suwerte

Aniya, dapat inilalagay umano ito sa gitna ng sala.

Paliwanag ni Cua, nagsisimbolo kasi ng kasaganaan ang paglalagay ng Chrismas tree.

"Ang Christmas tree ay nagsi-symbolize po 'yan ng kasaganahan ng wealth energy sa ating tahanan so dapat po talaga mas mayabong," aniya.

Dapat din umanong may elemento ng wood, fire, earth, metal, at water ang mga dekorasyon para makamit ang suwerte.

Pagdating naman sa regalo, payo ni Cua na iwasan ang mga gunting at matutulis na bagay dahil simbolo umano ito ng "pagputol" ng relasyon sa pagbbigyan.

Dapat din daw iwasan ang pagbibigay ng payong dahil simbolo umano ito na "inaapakan" ang pagbibigyan, at maging ang pagbigay ng payong ay nangangahulugan ng "San" - salitang Chinese na ibig sabihin ay "paghihiwalay."

Kapag magreregalo naman daw ng relo, kailangang lagyan ito ng puting tali at ipagupit sa pinagbigyan bago gamitin.

Bilang pangontra, ayon kay Cua, kailangang magbigay ng barya ang taong niregaluhan.

Kung magreregalo naman ng wallet, dapat may laman itong pera na may kombinasyong 1-6-8 bago ibigay.

Dapat din daw lagyan ng pabango ang ireregalong panyo bilang pangontra sa pagsimbolo rito sa "iyakan."

Bagaman pinaniniwalaan, nagpaalala si Cua na nasa kamay pa rin ng mga indibidwal ang kanilang tagumpay.

-- Ulat ni Winnie Cordero, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
Master Hanz Cua
kapalaran
Master Hanz
suwerte
feng shui
regalo
pangreregalo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT