Edad, 'labis na paggamit ng mga kamay' nagdudulot ng hand osteoarthritis | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Edad, 'labis na paggamit ng mga kamay' nagdudulot ng hand osteoarthritis

ABS-CBN News
Published Dec 01, 2019 02:24 PM PHT

MAYNILA — Sketching at drafting ang ilan sa mga palaging ginagawa ni Chay Vela sa loob nang halos 3 dekada niyang pagtatrabaho bilang arkitekto.

Pero inamin ni Vela, 52, na mula noong tumuntong siya sa edad 50 ay nakaramdam na siya ng pananakit ng mga buto sa kamay.

"Talagang masakit na siya. So I have to rest. Lalo talaga kapag marami kang ini-sketch o kaya constant use of computer," ani Vela sa panayam ng programang "Salamat Dok."

Ang tawag sa kondisyon ni Vela ay hand osteoarthritis, isang uri ng rayuma kung saan nakararamdam ng pamamaga at kirot sa mga kasukasuan sa kamay.

Karaniwang sanhi ng hand osteoarthritis ang pagkakaroon ng edad at paulit-ulit na paggamit ng mga kamay, ayon sa rehabilitation medicine specialist na si Kristopher de Leon.

Puwede ring makuha ang hand osteoarthritis kapag nadisgrasya o nabali ang kamay, ani De Leon.

Maaari rin umanong mamana ang osteoarthritis.

Ilan sa mga sintomas ng hand osteoarthritis ay ang pananakit ng kamay, paninigas ng kasukasuan sa kamay sa umaga, hirap sa paggalaw ng mga daliri at paghawak ng mga bagay, at pamamaga ng mga buto sa kamay at wrist, ayon kay De Leon.

"Usually mararamdaman 'yan nang tao, gradual naman so dahan-dahan. So depende kung paano niya bigyan ng pansin," anang doktor.

Kapag nakaramdam na ng sakit, ipinayo ni De Leon na bigyan ng pansin ang mga aktibidad na maaaring nakabubugbog sa kamay at baguhin ang mga ito.

Ayon pa kay De Leon, hindi na nawawala ang osteoarthritis.

"Nama-manage lang natin siya, 'yong sakit," aniya.

Isa sa mga mabisa umanong panlaban sa osteoarthritis ang pag-ehersisyo pero dapat ay doktor ang magrekomenda kung ano ang ehersisyo.

"Tutulungan niya (exercise) kung paano makagalaw nang tama at mapapalakas din 'yong mga bahagi na sumusuporta sa joint," paliwanag ni De Leon.

Bukod sa kamay, maaari ring magkaroon ng osteoarthritis sa tuhod, balakang, leeg, at gulugod.