Paano nakakapagpapayat ang 'keto' diet? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paano nakakapagpapayat ang 'keto' diet?
Paano nakakapagpapayat ang 'keto' diet?
ABS-CBN News
Published Nov 30, 2017 12:30 AM PHT
|
Updated Nov 30, 2017 10:19 PM PHT

Sikat sa maraming celebrities ngayon ang tinatawag na ketogenic o keto diet.

Isa na rito ang boxer na si Nonito Donaire na nakapagbawas ng timbang dahil sa nasabing diet.

"I feel so strong, I have so much energy because it uses fat as energy instead of glucose," ani Donaire.

High in fat, low carb, at low sugar ang kinakain sa ketogenic diet. Halimbawa, dapat ay kaunti lang ang kanin, maasukal na pagkain, pati processed at junk food.

ADVERTISEMENT
Pero paglilinaw ng health professional, good fat ang kailangan para makuha ang benepisyo sa ketogenic diet.

Ani Mabelle Aban, head nutritionist/dietitian ng Life Science and Center for Health and Wellness, "quality fat" aniya ang dapat kinokonsumo ng nais mag-keto diet tulad ng avocado at coconut oil, hindi ang chicaron at tsokolate.

Ang ketogenic diet ay nakababawas sa timbang dahil bukod sa mababa ang calories, nakapipigil din aniya ito ng cravings.
"You become less hungry at nagsu-suppress siya ng appetite. Less sugar intake so less inflammation [din]," ani Aban.

Epektibo ang ketogenic diet para sa short at medium term na pagbabawas-timbang pero hindi inirerekomenda na tumagal ito nang mahigit isang taon.
Hindi rin ito para sa lahat dahil iba-iba ang katawan ng tao.

Dagdag pa ni Aban, bago pasukin ang ano mang diet para makabawas ng timbang ay mainam na suriin muna ang dahilan ng weight gain dahil maaaring ito ay dahil sa stress o kulang na tulog.

Tips para iwas-pagtaba ngayong Pasko
Nagbigay naman si Aban ng tips para makaiwas sa pagtaba sa dami ng mga party ngayong Christmas season.

- Kumain nang sapat lamang;
- Kumain ng snacks bago ang party;
- Magkaroon ng "healthy" baon;
- Kontrolin ang pag-inom ng alak;
- Iwasan ang pagkain ng matatamis.
- Kumain nang sapat lamang;
- Kumain ng snacks bago ang party;
- Magkaroon ng "healthy" baon;
- Kontrolin ang pag-inom ng alak;
- Iwasan ang pagkain ng matatamis.
Mahalaga pa rin aniya ang exercise sa daily routine para mapanatili ang healthy na katawan. Mainam kung 30 minutos sa isang araw o depende sa kundisyon ng katawan.

--Ulat ni Dyan Castillejo, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
health
fitness
ketogenic diet
keto diet
kalusugan
nutrition
diet
Dyan Castillejo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT