Mga dekorasyong gawa sa recyclable materials patok ngayong Christmas season | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga dekorasyong gawa sa recyclable materials patok ngayong Christmas season

Mga dekorasyong gawa sa recyclable materials patok ngayong Christmas season

ABS-CBN News

Clipboard

Gawa sa face masks at baby wipes ang black-and-white Christmas sa Ifugao. Retrato mula kay Jhona Castro Navarro
Gawa sa face masks at baby wipes ang black-and-white Christmas sa Ifugao. Retrato mula kay Jhona Castro Navarro

Ngayong papalapit na ang Pasko, kaniya-kaniyang paraan ang mga Pilipino sa pagdedekorasyon, kung saan ang iba'y gumagamit pa ng recyclable materials para hindi aksaya at makatulong sa kalikasan.

Sa Ifugao, halimbawa, bida ang isang black-and-white Christmas tree na sa unang tingin ay mukhang mamahalin pero sa katunayan ay gawa sa face masks at baby wipes.

"Kaysa naman itapon ko, nilabhan ko na lang... 'Di ko naman akalain na puwede kong gawing Christmas decor," kuwento ni Jhona Castro Navarro, na bumuo sa Christmas tree kasama ang pamilya.

Sa Batangas City, higit 4,000 plastic bottles naman ang ginamit ng mga estudyante at guro sa University of Batangas para mabuo ang 15 talampakang Christmas tree.

ADVERTISEMENT

Nilagyan nila ang puno ng pulang laso at gintong ribon. Pati ang mga bituin sa puno ay recyclable din.

"We want to encourage the students to be creative. We want to use their creative thinking to create something out of recycled bottles," ani Erickson Mendoza, director ng College for Business and Innovation sa pamantasan.

Sa Cebu City, imbes na itapon ng mga flower vendor ang mga hindi nabentang bulaklak noong Undas ay ginawa nila itong Christmas decor.

Pinreserve o pinatuyo ang mga bulaklak at sanga, na patok para sa mga mahilig sa halaman.

Muli namang ipinamalas ng mga residente ng Angono, Rizal ang pagiging malikhain.

ADVERTISEMENT

Ibinida ng tinaguriang "Art Capital of the Philippines" ang kanilang Higantes-inspired Christmas tree na gawa sa 2,000 bote.

Kung panregalo naman ang hanap, sagot iyan ng mga person deprived of liberty (PDLs) sa iba-ibang jail facility sa Metro Manila.

Gawa sa sustianable materials ang mga bag at wallet pati mga Christmas decor.

"'Yong sa kanilang nakukuhang income, may napupunta po sa skilled PDLs, 'yong sa mga gumagawa nito," ani Senior Jail Officer 3 Mona Liza Marzan.

— Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.