Pinakamatandang tao umano sa Pilipinas, pumanaw na sa edad 124

ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2021 11:33 PM | Updated as of Nov 23 2021 11:30 AM

Si Lola Francisca Susan. Kuha ng opisina ni Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo Ordanes
Si Lola Francisca Susan. Kuha ng opisina ni Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo Ordanes

Pumanaw na ang pinaniniwalaang pinakamatandang tao sa Pilipinas at sa buong mundo umano.

Kinumpirma ng pamilya ni Francisca Susano, 124, ng Kabankalan City, Negros Occidental ang pagkamatay niya nitong Lunes.

Nalaman na lang umano ni Esther, na kamag-anak niya, na pumanaw na siya nang ianunsiyo ito ng kanilang pinsan sa social media. 

Kinumpirma rin ng lokal na pamahalaan ng Kabankalan City ang pagpanaw ni Susano. Inaalam pa ng LGU ang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Matatandaang tinanggap ng Guinness World Book of Records ang mga ebidensya ni Susana bilang pinakamatandang tao sa buong mundo.

Kamakailan lang naghain ng House resolution si Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo Ordanes para bigyan ng P1 milyon si Lola Susano bilang parangal.

Noong Sept. 11, 1897 ipinanganak umano si Susano sa Kabankalan.

Matatandaang sinabi niya na ang sikreto niya na pampahaba ng buhay ay ang pagkain ng gulay.

— Ulat ni Romeo Subaldo

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC