Yolanda survivor na mag-isang nagtanim ng libo-libong mangroves hinangaan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Yolanda survivor na mag-isang nagtanim ng libo-libong mangroves hinangaan

ABS-CBN News
Published Nov 22, 2020 04:01 PM PHT
|
Updated Nov 22, 2020 08:03 PM PHT

Umani ng papuri sa social media ang isang 65 anyos na Yolanda survivor mula sa bayan ng Matalom, Leyte dahil sa pagtatanim nito ng libo-libong mangroves.

Napansin ng netizen na si Dan Niez ang mga tanim na mangroves ni Gary Dabasol nang minsan siyang mamasyal kasama ang mga kaibigan sa baybayin ng Matalom.

Ayon kay Dabasol, nawasak ng storm surge ang bahay niya nang manalasa ang bagyong Yolanda sa kanilang lugar noong 2013.

Para hindi na muling mawasak ng mga alon ang bahay, sa loob ng 5 taon, nakapagtanim si Dabasol ng higit 10,000 mangroves.

Pinupulot lang din umano ni Dabasol sa baybayin ang mangrove seedlings na itatanim niya.

Nalulungkot din umano siya tuwing may makikitang plastik na sumasabit sa mangroves niya kaya agad niya itong kinukuha.

Bukod sa mangroves, may ornamental plants din si Dabasol at kaniyang asawa sa kanilang bakuran, na kanilang inilalako bilang hanapbuhay.

Nagpapasalamat si Dabasol na sa kabila ng nararananasang pandemya, marami ngayon ang nahihilig sa pagbili at pagtanim ng mga halaman.

RELATED VIDEO:
-- Ulat ni Sharon Evite
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regional news
viral
social media
mangroves
Yolanda
Typhoon Yolanda
Yolanda survivor
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT