'Lava walk' ni Catriona Gray para sa Miss Universe, ipinasilip

ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2018 08:03 PM | Updated as of Nov 22 2018 09:50 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Tila nauuso na sa mga pambato ng Pilipinas sa Miss Universe pageant ang pagkakaroon ng sarili nilang signature walk o natatanging paraan ng pagrampa.

Para sa kinatawan ng bansa sa pandaigdigang pageant ngayong taon na si Catriona Gray, ito ang "lava walk" na ipinasilip ng kaniyang stylist na si Patrick Henry sa isang Instagram story nito kamakailan.

May inilagay pang text si Henry sa mismong video na tila ipinapaliwanag kung paano magawa ang walk: "Glide, sway, pivot and erupt like a molten rock."

Ayon naman sa pageant shoemaker ni Gray na si Jojo Bragais, ang formula ng "lava walk" ay kombinasyon ng bilis at bagal ng lava ng Mayon Volcano sa Albay, kung saan isinilang ang ina ni Gray.

Ilan sa mga signature walk ng mga Pinay candidates noon ay iyong "tsunami walk" ni Shamcey Supsup noong 2011, "cobra walk" ni Janine Tugonon noong 2012 at "infinity walk" ni Rachel Peters noong 2017.

Idaraos ang coronation night ng Miss Universe 2018 sa Disyembre 17 sa Bangkok, Thailand.

--May ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.