Higantes Festival, muling ipinagdiwang sa Angono, Rizal | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Higantes Festival, muling ipinagdiwang sa Angono, Rizal

Higantes Festival, muling ipinagdiwang sa Angono, Rizal

Karen De Guzman,

ABS-CBN News

Clipboard

Muling ipinagdiwang sa Angono, Rizal ang Higantes Festival ngayong ika-20 ng Nobyembre 2022. Karen De Guzman, ABS-CBN News
Muling ipinagdiwang sa Angono, Rizal ang Higantes Festival ngayong ika-20 ng Nobyembre 2022. Karen De Guzman, ABS-CBN News


RIZAL - Masaya at excited ang mga taga-Angono, Rizal dahil matapos ang dalawang taon na nahinto ang Higantes Festival, muli silang pumarada ngayong Linggo para ipagdiwang ang kapistahan ng kanilang patron na si Saint Clement.

Tampok dito ang mahigit 100 na mga higante na gawa sa paper mache, kawayan, at aluminum na may iba’t ibang disenyo.

May mga higanteng nakasuot ng camisa chino at kimona, mayroon ding mga kilalang politiko, at siyempre hindi mawawala si Jose Rizal.

Nakadagdag rin ng saya sa parada ang mga sumasayaw at mga banda mula sa iba’t ibang paaralan ng Angono.

ADVERTISEMENT

Mapabata man o matanda, lahat ay lumabas para matunghayan ang grand parade ng Higantes Festival.

"Simbolo po ng higante ay simbolo ng sining ng bayan po. Kumbaga makikita niyo ang higante, ito po ay may painting, kailangan ng music kapag pina-parade," sabi ni Patnubay Tiamson, councilor ng Angono.

Sa pagdaan ng mga taon, dito naipamalas ng mga taga-Angono ang kanilang pagkamalikhain.

Suportado rin sila ng kanilang lokal na pamahalaan upang manataling buhay ang tradisyong ito.

Inaasahan ang pagdating ni Vice President Sara Duterte para makiisa sa kanilang selebrasyon ngayong Linggo.

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.