TINGNAN: Mga Christmas tree na gawa sa plastic na bote | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Mga Christmas tree na gawa sa plastic na bote

TINGNAN: Mga Christmas tree na gawa sa plastic na bote

ABS-CBN News

Clipboard

Iba't ibang Christmas tree na gawa sa plastic na bote ang tampok sa Santiago City Hall, Isabela.

Tampok ang iba't ibang Christmas tree na gawa sa plastic na bote at baso sa Santiago City Hall, Isabela.

Kasali ang mga ito sa taunang patimpalak ng city hall sa mga empleyado sa paggawa ng Christmas tree mula sa recyclable materials.

Ayon kay Mario de Guzman, opisyal ng City Environment and Natural Resources, plastic na bote ang "No. 1" recyclable material sa Pilipinas.

Ang ilang Christmas tree ay akma sa Balamban (paru-paro) Festival ng Santiago City.

ADVERTISEMENT

“Parang sa pag-aayos ng ating mga basura. Mula doon sa pangit, madumi na basura, if we just practice recycling, makakakita tayo ng isang bagay na maganda,” ani de Guzman.

Higit pa sa pagbibigay-aliw, layon ng patimpalak na ipaintindi sa masa ang kahalagahan ng Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act.

“There are so many things to do. If we just practice iyong 4Rs: iyong recycling, reduce, re-use and recover. Through this Christmas tree, maipapakita natin sa kanila na may maaari pa tayong gawin sa mga bagay na ito other than itapon na,” ani de Guzman.

Mananatili sa city hall lobby ang mga Christmas tree hanggang Enero 15, 2018.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.