RECIPE: 3 Cup Chicken o Taiwanese Adobo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
RECIPE: 3 Cup Chicken o Taiwanese Adobo
RECIPE: 3 Cup Chicken o Taiwanese Adobo
ABS-CBN News
Published Nov 14, 2018 11:32 AM PHT
|
Updated Nov 14, 2018 11:51 AM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Patok sa bansang Taiwan ang 3 Cup Chicken o kung tawagin dito ay "Taiwanese Adobo" na ginagamitan ng tatlong sawsawan: sesame oil, rice wine, at toyo.
Patok sa bansang Taiwan ang 3 Cup Chicken o kung tawagin dito ay "Taiwanese Adobo" na ginagamitan ng tatlong sawsawan: sesame oil, rice wine, at toyo.
Kung nais mong bigyang-buhay ang inyong adobo, maaari mong subukang lutuin ang putaheng ito.
Kung nais mong bigyang-buhay ang inyong adobo, maaari mong subukang lutuin ang putaheng ito.
Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" ang guest kusinero na si Arvin Antonio para ibahagi kung paano magluto ng 3 Cup Chicken.
Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" ang guest kusinero na si Arvin Antonio para ibahagi kung paano magluto ng 3 Cup Chicken.
Ihanda lamang ang mga sumusunod na sangkap:
• 1/2 kilo manok
• 5 bawang
• 1 luya
• 2 kutsarang sesame oil
• 2 kutsarang asukal
• 2 kutsarang toyo
• 2 kutsarang rice wine
• 1 kutsarang mantika
• 10 grams dahon ng basil
• 1/2 kilo manok
• 5 bawang
• 1 luya
• 2 kutsarang sesame oil
• 2 kutsarang asukal
• 2 kutsarang toyo
• 2 kutsarang rice wine
• 1 kutsarang mantika
• 10 grams dahon ng basil
ADVERTISEMENT
Paraan ng pagluluto:
Ibabad ang manok sa toyo.
Ibabad ang manok sa toyo.
Iprito ang bawang at luya sa kawali hanggang maging golden brown. Itabi.
Iprito ang bawang at luya sa kawali hanggang maging golden brown. Itabi.
Iprito ang manok hanggang maging golden brown. Itabi.
Iprito ang manok hanggang maging golden brown. Itabi.
Maglagay ng sesame oil at mantika sa kawali at ilagay ang pritong manok.
Maglagay ng sesame oil at mantika sa kawali at ilagay ang pritong manok.
Isunod ang rice wine at hinaan ang apoy hanggang 12-15 minuto.
Isunod ang rice wine at hinaan ang apoy hanggang 12-15 minuto.
Ilagay ang dahon ng basil at takpan.
Ilagay ang dahon ng basil at takpan.
Maaari nang ihain ang 3 Cup Chicken.
Maaari nang ihain ang 3 Cup Chicken.
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Umagang Kay Ganda
recipe
healthy recipes
affordable meals
Taiwanese cuisine
Taiwan
Philippine food
Asian food fusion
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT