ALAMIN: Epekto ng sobrang paghuhugas, pag-exfoliate ng mukha | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Epekto ng sobrang paghuhugas, pag-exfoliate ng mukha

ALAMIN: Epekto ng sobrang paghuhugas, pag-exfoliate ng mukha

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Bagaman nakakabuti sa kutis, nagbabala ang isang eksperto na may masamang epekto sa balat ang sobrang paghuhugas ng mukha.

Ayon sa dermatologist na si Beverly Ong - Amoranto, nakakatuyo ng balat ang sobrang paghuhugas ng mukha.

"Too much washing of face will dry your skin even though you don't use soap," ayon kay Amoranto sa programang "Good Vibes" ng DZMM.

Maaari aniyang mas mabawasan, sa halip na madagdagan ang moisture sa mukha kapag sobra-sobra ang paghuhugas.

ADVERTISEMENT

Maaari ring magdulot ng pamumula ng mukha, at mga butlig ang sobrang pag-exfoliate at pagkuskos ng mukha.

"If you exfoliate narereveal yung bago, newer skin. But too much can cause over-exfoliate and cause the skin to inflame... Magkakaroon ka ng butlig o milia," ani Amoranto.

Payo ni Amoranto , gawin lang ang pag-e-exfoliate isang beses sa isang linggo.

TAMANG FACIAL CREAM

Nagpayo rin si Amoranto tungkol sa tamang facial cream na gagamitin sa mukha.

Kung oily ang mukha, dapat gumamit ng mga gel cream. "Lighter siya sa skin," paliwanag ni Amoranto.

Dapat naman gumamit ng serum at ointment ang mga may dry na balat.

Nagpayo rin si Amoranto na dumulog sa doktor bago subukang gumamit ng mga facial products para maiwasan ang iba't ibang komplikasyon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.