'Millennials binalaan sa mga ginagamit sa balat' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Millennials binalaan sa mga ginagamit sa balat'

ABS-CBN News
Published Apr 18, 2019 01:52 PM PHT
|
Updated Apr 18, 2019 01:54 PM PHT

Nauuso na ngayon sa mga millennials, o iyong mga taong pinanganak mula 1981 hanggang 1996, ang pagkakaroon ng tinatawag na "skincare routine" para masiguradong malinis at maaliwalas ang mukha at balat.

Pero dapat maging alisto sa bibilhing mga produkto, ayon sa dermatologist o eksperto sa balat na si Dr. Lia Nebrida-Ideya.

May pagkakataon kasi umano na bumibili ng mga produkto ang mga millennials sa nais nilang agarang solusyon sa problema sa balat.

"Ang gusto kasi nila instant cure. So mag-iingat lang sa different products na available online sa mga mall, different beauty products," ani Ideya sa "Good Vibes" ng DZMM.

KOREAN PRODUCTS
Kasabay ng pag-usbong ng Korean wave ay ang pagtangkilik ng millennials sa mga skin care products na tubong Korea.

Pero babala ni Ideya na maaaring hindi akma sa ilang Pinoy ang Korean products na ginagamit nila lalo na't iba ang klimang nakasanayan sa Korea.

Maaari aniyang magkaroon ng ilang sakit sa balat tulad ng taghiyawat o pimples at allergic dermatitis o pamamalat ng mukha o balat sa katawan.

"We have to consider the climate, 'yung weather [ng Korea] may spring... May mga gumagamit ng mga different product na nagko-cause ng allergic dermatitis, pimples," ani Ideya.

WHITENING PRODUCTS
Nauuso rin umano ang mga whitening products o iyong mga ginagamit sa balat na pampaputi.
Nauuso rin umano ang mga whitening products o iyong mga ginagamit sa balat na pampaputi.
ADVERTISEMENT
Dapat aniyang maging mapanuri sa mga nasabing produkto at bantayan ang mga sangkap nito, na maaaring magdulot ng stretch marks o kaya maaaring umitim ang balat kung sobra-sobra ang paggamit nito.

"May mga pampaputi na may mercury o steroid depende sa price, so ang price nito ay may stretch mark, pimple, aside from the fact na puwedeng mamuti, [puwede kang] mangitim," ani Ideya.

Ibinahagi ni "Good Vibes" host Luisa Ticzon Puyat, isa ring doktor, ang nangyari sa kaniyang mga kasambahay na gumamit ng mga pampaputing binili sa palengke.

"Actually hindi sila kumukuha sa 'kin, bumibili sila ng kahit ano sa Internet," ani Puyat, na isang dermatologist.

"Ta's magugulat ako, pag-uwi mula probinsiya, mamaya mapa-mapa na sila ng Pilipinas sa mukha at hindi ko na maayos dahil nasunog na ang kanilang mukha," dagdag niya.

May laman umanong hydroquinone ang kanilang binili, na maaaring magdulot ng ochronosis o pag-pigment ng mukha kung lagi itong ginagamit, ayon kay Ideya.

Ayon pa kay Ideya, maaaring hindi sila naglagay ng sunblock sa mukha na nagdulot ng pigmentation.