2 pang kandidata ng Miss Earth, nakaranas din umano ng harassment | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 pang kandidata ng Miss Earth, nakaranas din umano ng harassment

2 pang kandidata ng Miss Earth, nakaranas din umano ng harassment

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 08, 2018 10:43 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Dalawa pang kandidata ng 2018 Miss Earth ang lumantad at nagsabing nakaranas sila ng sexual harassmant mula sa sponsor ng Manila-based pageant.

Kasunod ni Miss Earth-Canada Jaime VandenBerg, ibinunyag nina Emma Mae Sheedy ng Guam, at Abbey-Anne Gyles-Brown ng England sa pamamagitan ng mga Instagram post na nakaranas din umano sila ng harassment sa gitna ng pre-pageant activities .

Sa kaniyang Instagram post, ikinuwento ni Sheedy na dinakma ng lalaking sponsor ang kaniyang likuran noong national costume competition.

Naitulak daw niya ang sponsor pero sinabihan daw siya nito na huwag sabihin sa iba ang insidente.

ADVERTISEMENT

Gaya rin ni VandenBerg, inalok din daw si Sheedy ng sponsor na dadalhin sa Boracay.

Pinilit din daw ng sponsor si Sheedy na magsayaw para sa kaniya, kasama ang iba pang mga kandidatang Latino.

"I was pulled aside multiple times to be invited to Boracay, private islands, and into his house, and insisted that I and ‘the Latino women dance for him," sabi ni Sheedy.

Ayon naman kay Gyles-Brown, isang sponsor ang nagyaya sa kaniyang makipagtalik kapalit ang korona.

"I was approached by a sponsor on many occasions who asked for sexual favours in exchange for the Crown," sabi ni Gyles-Brown.

Nangyari raw iyon sa Manila Yacht Club, kung saan na-harass din umano si VandenBerg at ang iba pang mga kandidata.

IDAAN SA LEGAL NA PROSESO

Iginiit naman ng pageant organizer na si Lorraine Schuck na hindi niya palalampasin ang nangyari sa mga kandidata.

Kailangan daw idaan sa legal na proseso ang isyu, at hiningan ng malinaw na salaysay at paglahad ng ebidensiya sina VandenBerg, Sheedy, at Gyles-Brown.

Kukuha pa raw si Schuck ng abogado para sa mga babae.

Kinalap na rin daw ni Schuck ang written testimonies ng ibang kandidata, security escort, at team manager kaugnay sa insidente.

Nilinaw din ni Schuck na hindi ang Miss Earth ang kalaban sa isyu kundi ang mga pinaghihinalaang sponsor.

Itinanggi naman nina Miss Earth-Cuba Monica Aguilar at Miss Earth-Belgium Faye Bulcke na may nangyaring sexual harassment sa gitna ng mga aktibidad ng pageant.

Ayon kay Aguilar, totoong inimbitahan sila ng ilang sponsor pero wala raw humingi ng pagtatalik kapalit ang magandang performance sa Miss Earth.

"Yes, some of the sponsors did ask us if we wanted to extend our visas to go to Boracay after the pageant, but no one promised us to get further in the competition through 'sexual favors,'" isinulat ni Aguilar sa isang Instagram post.

Sa mga ganoong sitwasyon daw na bahagi na ng buhay, nasa tao na rin daw ang responsibilidad na tanggihan ang tukso, ani Aguilar.

"No matter where you go in life, these types of things happen. But it is your responsibility to say no and walk away," sabi ni Aguilar.

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.