Renee Salud ibinida ang Pinoy fashion sa Milan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Renee Salud ibinida ang Pinoy fashion sa Milan

Renee Salud ibinida ang Pinoy fashion sa Milan

Mye Mulingtapang | TFC News Italy

 | 

Updated Nov 09, 2023 11:24 AM PHT

Clipboard

MILAN – Inirampa ang creations ni Philippine Ambassador for Fashion na si Renee Salud ang kanyang makukulay na creations at ready to wear line na ginamitan ng indigenous fabrics at weaves mula sa Pilipinas sa Balik sa Basik fashion show sa Venice, Milan at Rome kamakailan.

Tampok ang ethnic dresses, handwoven barong at Filipiniana. Nagningning din ang mga bridal gowns na hinangaan ng mga Pilipino at Italyano.

1
Mark Mejia

“This is very, very important because if you’re a Filipino and you do not know your culture, you do not know your soul because we believe that and I believe that the soul of a country is culture,” sabi ni Renee Salud.

Rumampa ang mga Pinay beauty queen na sina Miss Universe 2022 second runner-up Ma. Katrina Legarda, Miss Supranational 2012 Elaine Kay Moll at Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados suot ang mga pambihirang creation ni Salud.

ADVERTISEMENT

2
Mark Mejia

Suportado ng Pinay beauty queens ang pagpapalaganap ng kultura ng bansa at hinihikayat din nila ang mga kababayan na ipagmalaki at tangkilikin ang gawang Pilipino.

“We are proud to showcase Filipiniana all over the world, seeing embroidery and handweaving still exists. We still appreciate art and fashion altogether,” sabi ni Gazini Ganados, Miss Universe Philippines 2019.

3
Mark Mejia

“So the fabrics are from the different islands of the Philippines, from different provinces. They have their own tapestry so that’s what we are showcasing in the show,” sabi ni Elaine Kay Moll, Miss Supranational 2012.

“Celebrate the culture syempre ‘yun yung pinopromote natin dito sa Balik sa Basik,” sabi ni Maria Katrina Legarda, Miss Universe Philippines 2nd runner-up.

Inorganisa ang show ng may akda ng Balik sa Basik o Buhay na Anyo ng Sining at Kultura na si Marian Laarni Silva at Milan-based fashion designer na si Jocelyn Gacad.

4
Mark Mejia

Ayon kay Silva ang Balik sa Basik ay isang daan para maipakilala ang husay ng Pinoy, mga likhang damit na gawa sa lokal na habing tela, pati na rin ang textile at weaving industry sa Pilipinas.

“Dapat maging proud tayo sa ating sariling kultura, you know our products of our own land,” sabi ni Marian Laarni Silva, author at organizer ng Balik sa Basik.

Ayon kay Salud karangalan na maipakita ang kanyang mga likha at maipagpatuloy ang kanyang adbokasiya na ipagmalaki sa buong mundo hindi lang ang kultura at talentong Pinoy kundi maging ang turismo ng Pilipinas.

“When they learn to love the culture through fashion, through all these endeavors, I know they themselves will be enthusiastic to go back to the Philippines. We are trying to come up with this kind of show. It's not only promoting fashion but we are promoting the Philippines as a destination,” dagdag ni Salud.

Bukod sa fashion show ni Salud ay nagkaroon din ng trade fair sa konsulado sa pakikipagtulungan ng PH Department of Trade and Industry at lokal na pamahalaan ng Laguna.

9
Mark Mejia

Itinampok ang mga likhang Laguna gaya ng mga ready-to-wear Filipiniana, barong at footwear. Isang magandang hakbang daw ito ayon kay Consul General Elmer Cato ‘di lang para ma-i-preserba ang kulturang Pinoy pero higit sa lahat ay maipakilala at maituro ito sa mga mas nakababatang henerasyon ng mga Pilipino sa Italya.

7
Mark Mejia

“This is initiative ng Balik sa Basik and other projects of the Filipino community which aims to connect our youth to the motherland are really very important, napakandang proyekto ito, pasalamat tayo kay Mama Renee,” sabi ni Consul General Elmer Cato, Philippine Consulate General sa Milan.

8
Mark Mejia

Gawang Pinoy, tatak Pinoy, ‘yan ang simbolo ng talento at mayamang kasaysayan at kultura ang patuloy na isinusulong ni Salud at ibang pang Filipino artisans sa loob at labas ng bansa patunay ng kanilang dedikasyon at pagmamahal sa buhay na anyo ng sining, kultura at pagkakilanlan bilang Pilipino.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Italya, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.