RECIPE: Misua bola-bola

ABS-CBN News

Posted at Nov 06 2019 12:51 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Patok tuwing malamig at maulan ang mainit-init at masabaw-sabaw na misua bola-bola. 

Maaari niyo itong subukang gawin sa inyong kusina. 

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" ngayong Miyerkoles ang guest kusinera na si Rosemarie Tan para ibahagi kung paano magluto ng misua bola-bola. 

Narito ang mga sangkap: 
Para sa bola-bola 
• Giniling na baboy
• Paminta
• Asin
• Asukal
• Oyster sauce
• Itlog
• Harina
• Sibuyas

Para sa sabaw
• Mantika
• Carrots
• Sibuyas
• Dried mushroom
• Misua
• Patis
• Sesame oil
• Itlog
• Kintsay
• Chicken o pork stock
• Corn starch
• Accord powder

Paraan ng pagluluto:

Paghaluhaluin ang giniling na baboy, paminta, asin, asukal, oyster sauce, sibuyas, itlog, at harina. Pakuluan o iprito at itabi.

Igisa ang sibuyas, mushroom, carrots.

Ilagay ang sabaw na pinagpakuluan ng baboy.

Ilagay ang misua, itlog, nilutong bola-bola, at kintsay

Timplahan ng paminta at patis.

Maglagay ang dahon ng sibuyas, sesame oil, at quail eggs pang- garnish (optional). 

Maaari nang ihain ang misua bola-bola. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.