Mga nitso sa sementeryo sa Negros, may iba't ibang kulay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga nitso sa sementeryo sa Negros, may iba't ibang kulay

Martian Muyco,
ABS-CBN News
Published Nov 02, 2018 04:40 PM PHT

EB MAGALONA, Negros Occidental -- Agaw-pansin ang ilang nitso sa EB Magalona Public Cemetery dahil sa kakaibang kulay ng mga ito.

Imbes na puti, pininturahan ng kulay purple, blue, pink, at yellow ang ibang mga nitso rito.

Beige ang naging kulay ng nitso ng magulang ni Elizabeth Bayles. Ayon sa kanya, kinulayan nila ng ganito ang nitso dahil mabilis madumihan ang kulay puti.

Taon-taon naman na nagpapalit ng kulay ng pinta ang nitso ng mga kaanak ni Jade Belen. Paraan umano nila ito para mabilis na matukoy kung saan ang kanilang nitso.

Kulay dilaw naman ang nitso ng kapatid ni Zenaida Diaz. Ayaw sana niyang pintahan ito ng ibang kulay, pero ang kanyang mga pamangkin ang nagpinta nito. Ang importante sa kanya ay mabisita ang kapatid.

Mayroon namang mas pinili pa rin na gawing puti ang nitso ng kanilang yumaong pamilya para mas malinis pa rin tingnan.