TINGNAN: Karnabal sa sementeryo, patok sa Bacolod City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Karnabal sa sementeryo, patok sa Bacolod City

TINGNAN: Karnabal sa sementeryo, patok sa Bacolod City

Yasmin Pascual-Dormido,

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 01, 2018 08:28 PM PHT

Clipboard

Nasa limang taong nang ginagawa ng Rose Lawns Memorial Park ang paglalagay ng karnabal para maaliw ang mga bibisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

BACOLOD CITY – Patok ngayon sa mga bata ang karnabal sa loob ng isang pribadong sementeryo sa lungsod na ito.

Dinarayo ang Rose Lawns Memorial Park sa Barangay Bata kada Nobyembre 1 di lang nga mga pamilyang bumibisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay, kundi pati na rin sa mga nagnanais maglibang.

Paborito ng mga bata ang ferris wheel at merry-go-round. Nagdagdag pa ang management ng private cemetery ng horror train ngayong taon.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nariyan din ang mga sikat na features ng perya gaya ng toss-a-coin, balloon pop, at toss-a-ball kung saan sa halagang P20 ay maaaring manalo ng pagkain o di kaya laruan.

ADVERTISEMENT

Mga limang taon nang may carnival sa pribadong sementeryo tuwing Undas.

Paraan ito ng management ng sementeryo na malibang ang mga bata at mag-enjoy din ang mga pamilya habang binibisita ang mga yumaong mahal sa buhay.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.