TINGNAN: Mga lumang nitso sa Paoay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Mga lumang nitso sa Paoay

TINGNAN: Mga lumang nitso sa Paoay

Denis Agcaoili,

ABS-CBN News

Clipboard

Denis Agcaoili, ABS-CBN News

PAOAY, ILOCOS NORTE - Makasaysayan ang bayan ng Paoay, Ilocos Norte kung saan matatagpuan ang UNESCO World Heritage Site na St. Augustine Church.

Higit 300 taon na ang simbahan mula ng maitayo ito noong 1710.

Pero bukod dito, matatagpuan din ang iba pang istruktura na naging bahagi ng pagkakakilanlan ng bayan ng Paoay.

Ang Paoay Catholic Cemetery na halos kasing edad ng Paoay church, makikita pa hanggang ngayon ang mga nitso ng ilang namayapang Paoayeños noong panahon ng mga Kastila at Amerikano.

ADVERTISEMENT

Magarbo at detalyado ang disenyo ng mga lumang nitso kumpara sa mga karaniwan na nakikita ngayon.

Ayon kay Bernard Joseph Guererro na isang heritage mapper, malalamang panahon ng mga Kastila nang maihimlay ang taong nakalibing sa nitso kung ladrillo at apog ang materyales nito.

“Round-doomed nitso na made of bricks. Obviously, those would be dated back in an older times. So iyun yung mga Spanish period naman,” ayon kay Guerrero.

Espanyol din ang wikang nakaukit sa mga lapida tulad sa puntod nina Paula Borja at Mariano Degollado.

Curvy at geometric designs naman ang elemento na makikita sa mga nitso noong American period.

Malalaman ding panahon ng mga Amerikano kapag pilipit ang bakal na nagamit sa nitso.

Hango din umano ang disenyo ng mga nitso sa mga bahay ng mga namayapa.

Ang mga palamuting goblet o kopita, makikita pa rin ngayon sa mga lumang bahay sa Paoay.

Ayon kay Mark John Ley Ligsay, na isa ring heritage mapper, karamihan sa mga nailibing sa Paoay Catholic Cemetery ay mga kilalang pamilya noong Spanish at American period.

“Mostly naman na associated sa simbaan noon ay mga prominenteng pamilya. Mga politiko, yung mga mayor, yung mga councilor, yung mga doctor, mga lawyer. For example the Carpios of Paoay, the Diaz, the Esposos, the Mangosings, the Dumlaos, and marami pa,” ayon kay Ligsay.

“Yung Paoay, maraming sikat na tao na nanggaling din dito or yung mga ninuno nila ay dito nanggaling. Forexample yung mga Diaz. If you know Gloria Diaz, matra-trace din yung blood line niya dito,” dagdag niya.

Ayon sa mga mapper, mas marami noon ang bilang ng mga lumang nitso sa sementeryo.

Sa pagsikip kasi nito dahil sa pagdami na ng mga naililibing dito, naisasakripisyo na ang mga lumang nitso.

“Minsan ang mga naburol dito, wala na ring kamag-anak na buhay, ay napapabayaan sila. As with others cemeteries din, sinisira na to make more spaces para sa mga bagong nitso,” ayon kay Guerrero.

“Keep it as it is. Huwag na sanang baguhin. Huwag ng i-add. Alam nating hindi natin ma-avoid ‘yung pag-grow ng population at pagdami rin ng mga namamatay. But I guess that can be done in other places na. At least that way, we can maintain ‘yung character ng lumang sementeryo."

Dagdag ng mga mapper, importanteng mapreserba ang sementeryo dahil bahagi na ito ng kasaysayan ng Paoay at para hindi na rin mabulabog ang pamamahinga ng mga namayapa dito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.