Tabi-tabi po: 10 nilalang ng dilim mula sa mitolohiyang Filipino | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tabi-tabi po: 10 nilalang ng dilim mula sa mitolohiyang Filipino

Tinipon nina Josiah Darren Saynes at Bryan Reyes; guhit ni Onil Lumague
Published Oct 31, 2023 07:00 AM PHT
|
Updated Oct 31, 2023 09:36 AM PHT

Pagkagat ng dilim at kung makaramdam ka ng kakaiba, magmatyag sa paligid kung nag-iisa ka lang.

Hitik ang panitikang Filipino sa iba't ibang salaysay ukol sa umano'y mga elemento ng kadiliman. Narito ang ilan sa kanila na buhay pa rin ang mga kuwento hanggang sa modernong panahon.

AMALANHIG (Hiligaynon)
Madalas naninirahan sa kagubatan, ang amalanhig ay isang aswang na nagbalik mula sa kamatayan. Matigas ang pangangatawan at tuwid ang mga paa nito kung ilarawan ng mga Waray.

Huwag ibalandra ang leeg kung saan-saan dahil ito umano ang kadalasang pinupuntirya ng amalanhig. Kaya ng aswang na ito na magdala ng sakit sa sinumang nagsasalita ng masama tungkol sa kaniya.

ADVERTISEMENT
Upang mamatay, kinakailangan muna ng amalanhig na maipasa ang kaniyang pagiging aswang. Nagagawa niya ito sa pamamagitan ng pagpasa umano ng 'sisiw' na nasa katawan nito sa isang kamag-anak na malapit nang mamatay.

KOKOK (Subanen)
Nakarinig ka ba ng malakas na tawa at paglingon mo'y may nilalang na tila nakagigimbal?

'Wag husgahan kung kakaiba ang hitsura, gaya ng kokok na malaki ang bunganga't patulis ang ulo.

Kakatwa man ang mukha, matulungin naman daw ang mga kokok sa mga babaylan. Tumutulong umano sila sa pamamagitan ng pagtuturo ng akmang gamot sa mga sakit at kulam. Gayunman, ayon sa mga Muslim, may masasama rin umanong kokok na kumakain ng mga bata.

KIWIG (Aklanon)
Tao sa umaga, aswang sa gabi — ganiyan inilalarawan ang kinatatakutang kiwig. Ito ay may kakayahan umanong magbagong-anyo bilang tao, aso, baboy-ramo, o malaking pusa.

May panganib na dala umano ang aswang na ito sa mga bata at buntis. Nililinlang nito ang tao para makapasok sa mga bahay ng kaniyang biktima at doon sila sasakmalin at kakainin. Habol nito ang mga batang walang tigil sa pag-iyak, o mga buntis na nakatali ang buhok.

Gaya ng karaniwang aswang, maaaring maitaboy ang kiwig sa pamamagitan umano ng asin, suka, abo, o buntot-page.

ANSISIT (Ilokano)
Inis ang ansisit sa alikabok kapag may nagwawalis, at lalong magagalit kung may taong dumaan malapit sa kaniyang punso nang hindi nagsasabi ng "kayo-kayo, lumayo kayo." Maliit ngunit mabangis, nagdudulot umano ito ng sakit sa lalapastangan sa kaniya. Ang pinarusahan ay karaniwang mamamaga raw ang labi, mata, at binti.

Upang maalo ang ansisit, kailangang tawagin raw ito tuwing alas-6 ng gabi para hingan ng paumanhin. Bilang gamot sa maga, dapat pahiran umano ng bulak na isinawsaw sa tubig mula kabibe ang apektadong bahagi ng katawan.

Gayunman, ang ansisit ay palakaibigan raw sa mga bata, lalo na 'yong mga nawawalan ng gamit.
Gayunman, ang ansisit ay palakaibigan raw sa mga bata, lalo na 'yong mga nawawalan ng gamit.
ADVERTISEMENT
MANTIW (Kiniray-a)
Talagang maraming kababalaghan ang lumilitaw umano sa kagubatan pagsapit ng gabi. Isa na sa matatagpuan dito ang umano'y mantiw, isang lamanlupang payat ang pangangatawan at kasingtangkad ng mga puno ng niyog. Maitim at mabalahibo, ang nilalang na ito ay madalas makikitang nakasandal umano sa mga punong kapok habang nagnganganga o humihithit ng tabako.

Mailap man sa tao, nagagawa pa rin nitong maglibot sa iba't ibang lugar para manakot umano ng mga nagpapagabi sa labas ng kanilang mga bahay. Ang sinumang madampot nito ay inilalagay raw niya sa tuktok ng matatayog na puno.

BUSAW (Bagobo)
Alam mo ba kung bakit naglalamay tuwing may burol? Upang mabantayan ang bangkay laban sa umano'y posibleng atake ng mga busaw.

Nangangain raw ang mga ito ng bangkay, at malalamang malapit na sila kung may umaalingasaw na baho. Makapangyarihan umano sila sapagkat kaya nilang maging imbisible, at dinig at naamoy nila kung may malapit nang mamatay. Kung 'di makontento sa nanakawing bangkay, minsa'y binibiktima rin daw nila ang mga nasa lamay.

Kung walang matangay na labi, pumipirmi raw sila sa mga libingan para maghukay ng katawan. Kung tagumpay, pinapalitan nila ng puno ng saging ang ninakaw na bangkay, at ihuhugis pa raw nila itong kamukha ng katawan. Minsan ay ginagawa raw nilang isda o baboy-ramo ang tinangay na labi bago ito kainin.

TAMAWO (Hiligaynon)
Babala sa mga bata at magagandang dilag: kayo ang madalas umanong dinarakip ng mahiwagang nilalang na kung tawagin ay tamawo.

Walang umanong kanal ang pagitan ng ilong at bibig nito. Kaya rin nitong mag-ibang-anyo bilang aso o kalabaw na may mas mabilog na mga mata, at mas mahabang mga daliri at kuko sa paa. Bukod diyan, kaya umano nitong maging imbisible at nagpapakita lamang sa taong nais nitong pagpakitaan.

Ang dinarakip nitong mga bata at magagandang dalaga ay inaalukan umano ng pagkain, na kapag kinain ng mga biktima ay magmumukhang tamawo rin. Kapag tumanggi, ibabalik din umano sila kung saan sila dinukot pagkalipas nang tatlo o apat na araw.

BUNGISNGIS (Tagalog)
Kung mapadpad sa gubat at makarinig ng sunod-sunod na tawa, marahil ito'y mula sa bungisngis.

Dambuhala umano ang naturang nilalang na isa lang ang mata at malaki ang bunganga. Sa takaw nito, madalas itong magnakaw ng pagkain ng iba, lalo na ng paborito nitong kalabaw. May mga pagkakataong nangunguha raw ito ng mga taong mapapadpad sa kaniyang lugar.

Higante man, ito umano'y magugulatin at madaling malito kung may gulo sa paligid.

BAKUNAWA (Sebwano/Waray)
Batay sa mga alamat, ang bakunawa — dambuhalang ahas na may pakpak — ang dahilan kung bakit umano iisa na lamang ang buwan mula sa pito na nilikha ng Bathala. Dahil sa pagkahumaling nito sa ilaw ng buwan, nilamon raw ng bakunawa ang anim na iba pang buwan.

Iilan pa lang ang nakakita sa bakunawa dahil naninirahan umano ito sa pinakamalalim na bahagi ng malalaking ilog o kaya'y sa mga ulap sa himpapawid. Kuwento nila, ito raw ay may pulang dila at bunganga na kasinglaki ng lawa.

Naitataboy raw ang bakunawa sa pamamagitan ng malalakas na ingay o pagtugtog ng malakas na musika.

DANAG (Isneg)
Tamis ng unang tikim.
Tamis ng unang tikim.
ADVERTISEMENT
'Yan ang hinanap-hanap raw ng mga danag mula nang una nilang matikman ang dugo ng tao. Noon, bumababa mula sa kaitaasan ang mga ito para tulungan raw sa pagsasaka ang mga tao. Natikman umano nito ang dugo ng isang mortal nang matusok ang daliri nito ng kawayan.

Nagustuhan raw ng danag ang lasa ng dugo kaya hinikayat niya ang iba pang kapwa nilalang na lasapin din ito. Mula noo'y nagbuhay-aswang na sila para sa dugo.

Mga sanggunian: The Aswang Syncrasy in Philippine Folklore ni Maximo Ramos at Mga Nilalang na Kagila-gilalas ni Edgar Calabia Samar
RELATED VIDEO:
Read More:
mitolohiya
Philippine mythology
kababalaghan
aswang
Filipino mythology
mitolohiyang Filipino
Halloween
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT