Pagpapanatili sa Kabayan Mummy Caves, nananatiling hamon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagpapanatili sa Kabayan Mummy Caves, nananatiling hamon

Justin Aguilar,
ABS-CBN News
Published Oct 31, 2017 08:24 AM PHT

Sa ilalim ng isang malaking bato, nakatago ang isang maliit na kweba sa Poblacion, Kabayan, Benguet.

Sa loob ng kweba, magkakasamang nakahimlay ang mga labi ng patay. Ito ang Opdas Burial Cave.

Bukod sa koleksyon ng mga bungo, nakaipon din sa isang tabi ang mga kalansay at ilang kabaong na yari sa kahoy.

Base sa pag-aaral ng Tokyo University sa Japan, nasa edad 500 hanggang 1,000 taon na ang mga buto.
Base sa pag-aaral ng Tokyo University sa Japan, nasa edad 500 hanggang 1,000 taon na ang mga buto.
ADVERTISEMENT
Kinolekta at nahukay ng beterano ng ikalawang digmaang pandaigdig na si Bab-an Berong ang mga ito.

Inayos niya raw ang mga bungo para mabigyan ang mga ito ng maayos na libingan at para na rin magsilbing atraksyon sa kanilang lugar.

Pumanaw ang kolektor taong 2005 sa edad na 83 dahil sa sakit na prostate cancer.

Ayon sa kaniyang mga kaanak, mga halamang gamot at gulay ang ilan sa mga ginamit ni Bab-an sa kaniyang proseso ng pagpepreserba.

Ang kumpletong detalye ng kaniyang estilo, kabilang sa mga impormasyong mababasa sa kanilang museo.

Pero isang malaking hamon raw para sa kanila ang pagpapanatili sa natitirang laman ng kweba.

Sa tagal na rin kasi nito, unti-unti nang nadudurog ang mga buto.

Isa lamang ang Opdas Burial Cave sa 4 na kwebang kabilang sa popular na Mummy Caves ng Kabayan, Benguet.

Taong 1973 nang ideklara ito bilang isa sa mga national cultural treasures ng bansa sa bisa ng Presidential Decree Number 260.

Ayon sa national museum, idineklara na itong isang “endangered site” ng World Monuments Watch. Ibig sabihin, kinakailangan na nito ng agarang preserbasyon.

Ayon kay Mayor Gideon Todiano, naglabas ng isang memorandum ang national museum para gawing libre ang pagpasok sa mga kweba.

“Kasalukuyan rin silang nagsasagawa ng mga pag-aaral kung kaya’t pansamantalang nakasara sa publiko ang mga Mummy Cave."

Mayroon binabalangkas na ordinansa ang sangguniang bayan ng Kabayan para hindi mapagsamantalahan ng publiko ang libreng pagpasok sa mga kweba.

Dahil marupok na ang mga wooden coffin at mga bungo, mahigpit na ipinagbabawal ang paghawak o pagdampot sa mga artifacts at pagkuha ng mga litrato na may gamit na flash.

Hiling rin nila ay pakikiisa mula sa publiko lalo pa't bukod sa mga natural na elementong nakakabilis sa proseso ng pagkasira ng mga mummy-- kalaban rin nila ay oras para malaman ang susi sa matagalang pagpepreserba pa sa mga ito.