Pasyalang hango sa sikat na 10,000 Roses ng Cebu, dinarayo sa Laguna | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pasyalang hango sa sikat na 10,000 Roses ng Cebu, dinarayo sa Laguna

ABS-CBN News
Published Oct 29, 2021 02:50 PM PHT

MAYNILA - May panibagong atraksiyon ngayon sa Laguna na tiyak na kagigiliwan ng buong pamilya lalo na ngayong malapit na ang Pasko.

Tampok sa bayan ng Lumban ang isang pasyalan na halos kapareho ng sikat na 10,000 Roses attraction sa Cebu.

Binubuo ng 5,000 LED roses ang naturang garden.

Sa umaga, tila nasa dagat ng puting mga rosas pero sa gabi, lumalabas ang tunay na ganda kung saan umiilaw ang iba’t ibang kulay na mga bulaklak.

“Mahilig kami ng asawa ko sa KDrama, alam ko doon nag-originate siya tapos galing din kami ng Cebu nakita namin 'yung 10,000 Roses so na-inspire kami,” ayon kay Louie Rosales, may-ari ng Janna’s Place.

Bukod pa sa hardin ng mga rosas, may maliliit na tea house na pinaparenta sa mga nais mag-staycation. May kainan din sa taas para sa mga gustong mag-date sa lugar.

“Pinagpaplanuhan namin na ibalik 'yung reservation para at least ma-control siya,” sabi ni Rosales.

Umaasa ang mga negosyanteng tulad ni Rosales na magtuloy-tuloy na sa pagbaba ang kaso ng COVID-19 sa bansa para unti-unti nang mabuhay ang turismo sa kanilang lugar.

- TeleRadyo 29 Oktubre 2021
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT