'Don't allow your voice to be silenced,' sabi ni Catriona kasunod ng red-tagging issue | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Don't allow your voice to be silenced,' sabi ni Catriona kasunod ng red-tagging issue

'Don't allow your voice to be silenced,' sabi ni Catriona kasunod ng red-tagging issue

ABS-CBN News

Clipboard

Catriona Gray. Instagram: @catriona_gray

MAYNILA — Hinimok ng beauty queen na si Catriona Gray ang kaniyang social media followers na huwag nilang hayaan na sila'y patahimikin.

Ito ay matapos balaan ng isang military official ang dating Miss Universe dahil sa pakikipag-ugnayan nito sa women's group na Gabriela.

Sa caption ng kaniyang Instagram post gabi ng Sabado, sinabi ni Gray sa kaniyang followers na hindi dapat manahimik ang mga ito dahil maaaring magkaroon ng epekto sa buhay ng iba ang kanilang mga salita.

"Please don't ever allow your voice to be silenced. You never know who's life may be impacted by your words," ani Gray.

ADVERTISEMENT

"You never know who you'll help feel seen, courageous or comforted. When you speak up for yourself, know that in sharing your stories, you're speaking up for others too," dagdag niya.

Hindi binanggit ni Gray ang pinaghuhugutan ng post pero binitawan niya ang mensahe ilang araw matapos siyang banggitin ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa mensahe nito sa aktres na si Liza Sberano.

Binalaan ni Parlade sina Soberano at Gray sa pagsuporta nila sa Gabriela, na ayon sa military official ay may koneksiyon sa mga communist rebel.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nauna nang iginiit ng kampo ni Gray na patuloy na magsasalita ang beauty queen sa mga advocacy nito sa kabila ng pahayag ni Parlade.

Sa kalagitnaan ng mga red-tagging reports noong mga nagdaang buwan, pinaalalahanan ng tagapagsalita ng Commission on Human Rights ang pamahalaan noong Mayo na hindi labag sa batas ang pagiging miyembro ng mga komunistang grupo sa bansa dahil ipinasawalang-bisa na noong 1992 ang Anti-Subversion Law.

"The challenge before those who accuse is to prove allegations of any illegal act before fair and competent courts," ani CHR spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.