ALAMIN: Ano ang sanhi ng katarata? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Ano ang sanhi ng katarata?

ALAMIN: Ano ang sanhi ng katarata?

ABS-CBN News

Clipboard

Isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkabulag ng mga Pilipino ay ang katarata. Pero paano nga ba nakukuha ito at paano maiiwasan ang pagkawala ng paningin dahil dito?

Sa programang 'Good Vibes' sa DZMM, tinalakay ni Mon Kalvin Lim, senior program officer ng Cataract Foundation Philippines Inc., ang ilang sanhi ng sakit na katarata.

Ayon kay Lim, kadalasang sanhi nito ay ang pagtanda.

“Habang tumatanda ang isang tao, humihina or nagiging opaque ‘yung kanyang lens so nagkakaroon na po, namumuo ‘yung katarata,” ayon kay Lim.

ADVERTISEMENT

Dagdag pa niya, maaaring sanhi rin ng katarata ang exposure sa UV rays kaya mainam na pangalagaan ang mata laban dito at magsuot ng sunglasses bilang proteksiyon.

May tsansa rin na magkaroon ng katarata bunsod ng pag-inom ng ilang gamot gaya ng corticosteroid na ginagamit upang maibsan ang pamamaga.

Bukod sa pagtalakay ng mga sanhi, nagbabala rin si Lim sa maaaring maging bunga ng katarata.

“’Yung paningin po ay unti-unting mawawala o lalabo kasi kapag hindi siya natugunan, wala ka na po talagang makikita kasi haharangan na ng katarata ‘yung ilaw na pumapasok sa mata.”

Libreng operasyon sa katarata

Upang maiwasan ang pagkabulag dahil sa katarata, kinakailangang sumailalim sa operasyon. Pero marami ang nagdadalawang-isip dito dahil sa mga gastusin at sa takot na rin.

Dahil dito, nag-aalok ng libreng operasyon sa katarata ang grupong Cataract Foundation Philippines Inc.

Ayon kay Lim, maaaring sumulat sa kanila ng request ang isang lugar, at kapag naaprubahan ay titipunin ang mga may katarata at saka sila magsasagawa ng operasyon na kadalasang naseserbisyuhan ang nasa 100 pasyente.

Mayroon din silang daily o weekly screening sa Bacolod at pumupunta sila sa iba’t ibang bahagi ng bansa lalo na iyong hindi naaabot ng tulong ng pamahalaan.

Para naman sa mga nakatira sa Maynila, maaaring makipag-
ugnayan sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan upang mai-refer sa pinakamalapit na volunteer doctors:

• E-mail: cataractfoundation@gmail.com
• Telepono: 435-0704 o 434-8528
• Cellphone: 09228606763

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.