ALAMIN: Paano maiiwasan ang mabahong hininga? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Paano maiiwasan ang mabahong hininga?

ABS-CBN News
Published Oct 19, 2018 06:32 PM PHT
|
Updated Oct 20, 2018 02:19 PM PHT

Masarap kumain ng mga maanghang na pagkain, at maging mga putaheng binudbodan ng bawang at sibuyas.

Pero ayon sa isang gastroenterologist, maaaring magdulot ang mga ito ng mabahong hininga.

"'Pag nakakain ka ng pagkain na highly volatile, tulad ng bawang o pickles, expect mo na magkakaroon ka ng bad breath," ayon kay Carlo Lazaro, isang gastroenterologist, sa "Good Vibes" ng DZMM nitong Biyernes.

Karaniwang resulta raw ang mabahong hininga ng hindi pagsisipilyo nang maayos, o maaaring ng mga pagkain na matagal na hindi naalis sa bibig.

Maaaring galing pa sa ilong ang mabahong hininga kapag sinisipon ang isang tao. Maaari ring galing aniya sa tiyan ang pagbaho ng hinga kapag nagkakaroon ng heartburn at gastroesophageal reflux disease (GERD) ang tao.

Bukod dito, ani Lazaro, maaari ring sanhi ang hindi maayos na pagdidiyeta ng mabahong hininga, lalo na kapag kumakain ng oily o malangis na pagkain ang isang tao.

Pero may ilang kaso rin kung saan hindi naaalis ang baho ng hininga. Halitosis, o pangmatagalang pagbaho ng hininga, ang tawag dito, at maaari pang konektado ito sa samu't saring sakit tulad ng liver cirrhosis o sakit sa bato.

Dahil dito, inirerekomenda ng doktor ang tamang pagkain at pag-ehersisyo para mawala ang mga tinatawag na oil na maaaring sanhi ng mabahong hininga.

Bagama't nakakatulong ang pagnguya ng chewing gum sa pag-alis ng amoy, ani Lazaro, maaaring bumalik ang baho ng hininga kung may mga residue pa ng pagkaing nakasabit sa bibig o lalamunan.

Kinakailangan ding magsipilyo at magmumog araw-araw para matanggal ang mga maliliit na pagkaing maaaring nakasabit sa bibig, lalo na sa itaas na bahagi ng dila.

"Ang kailangan lang sa pagmumog dapat tina-try ang top ng dila kasi 'yun ang pinakamaduming portion," ani Lazaro.

Pero giit ng doktor na dapat munang magpatingin sa mga doktor na espesyalista sa ear, nose, and throat (ENT) bago magpatingin sa mga gastroentrologist para matukoy kung sa loob o labas ng katawan nanggagaling ang pagbaho ng hininga.