'Isang klase ng gamot sa tuberculosis, nakabubulag' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Isang klase ng gamot sa tuberculosis, nakabubulag'

'Isang klase ng gamot sa tuberculosis, nakabubulag'

ABS-CBN News

Clipboard

Panlalabo ng paningin hanggang pagkabulag ang side effect ng isang klase ng gamot para sa tuberculosis (TB).

Sa programang 'Good Vibes' sa DZMM, sinabi ng ophthalmologist na si Dr. Buenjim Mariano na maaaring makaapekto sa mata ang mga gamot sa tuberculosis gaya ng ethambutol.

“Ang ethambutol po ay notorious siya dahil puwede siyang makabulag... So that [ethambutol] it is the component of the anti-TB regimen,” aniya.

Pero hindi aniya biglaang pagkabulag ang dulot nito.

Paliwanag ni Mariano, unti-unti munang lalabo ang mata kaya habang mas tumatagal ang gamutan sa TB, lalong tumataas ang tsansang mabulag.

ADVERTISEMENT

“Ang pagkabulag po dahil sa ethambutol is either [dahil sa] dose po niya or gaano katagal siyang ibinibigay,” ayon kay Mariano.

Samantala, ilan pa sa mga tinukoy ni Mariano na pangunahing dahilan ng pagkabulag ay ang katarata at glaucoma.

Ayon kay Mariano, puwede namang agapan ang pagkabulag buhat ng mga nasabing sakit basta nakapagpasuri sa doktor nang mas maaga.

Dagdag pa niya, mainam na matingnan ng doktor ang mata ng bata pagkapanganak pa lamang, pagtungtong ng isang taon, at bago pumasok sa eskuwelahan upang maiwasan ang pagkabanlag o pagkaduling.

Pinapayuhan niya rin ang publiko na magpatingin sa doktor isang beses kada taon kahit walang problema upang masiguro ang kalusugan ng mga mata.

Importante rin aniya na ipahinga lagi ang mga mata mula sa paggamit ng gadgets para mapangalagaan ang kalusugan ng paningin.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.