Pag-ibig, pakikipagrelasyon, paano tatalakayin ng magulang sa anak? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pag-ibig, pakikipagrelasyon, paano tatalakayin ng magulang sa anak?

ABS-CBN News
Published Oct 01, 2018 02:13 PM PHT

Mas madaling mapag-uusapan ng mga magulang at ng kanilang mga anak ang pag-ibig at pakikipagrelasyon kung alam ng mga anak na makakausap nila ang mga magulang nang hindi sila nahuhusgahan ng mga ito, ayon sa isang parenting expert.

Ayon kay Liza Gonzales, na isa ring kolumnista sa isang parenting magazine, walang tamang edad para lapitan ng mga magulang ang kanilang mga anak upang talakayin ang pag-ibig at pakikipagrelasyon.

Dahil dito, ani Gonzales, mahalagang alam ng bata na bukas ang kaniyang mga magulang na makipag-usap ukol sa kahit anong paksa, kabilang ang pag-ibig.

"It is only when the channel of communication in the family is really open and safe, na madaling pag-usapan ang lahat ng bagay-bagay, kahit 'yang love," sabi ni Gonzales sa programang "Sakto" ng DZMM.

ADVERTISEMENT
"Personally, walang best age eh kasi I think it would depend so much on... kasi we experience this particular event (umiibig) in different... times."

Upang maramdaman umano ng bata na "safe" o ligtas makipag-usap sa kaniyang mga magulang, dapat nararamdaman niyang siya ay pinakikinggan, nauunawaan, at hindi hinuhusgahan.

"Make your child feel that you believe in him or her, believe in the child," sabi ni Gonzales.

Dapat ding magtiwala ang mga magulang sa kanilang mga anak pagdating sa pag-ibig dahil maging ito raw ay sumasalamin sa pagpapalaki.

"Kung hindi ka nagtitiwala sa anak mo, it's only a reflection na hindi ka nagtitiwala sa paraan na pinalalaki mo siya," ani Gonzales.

Kung hindi man lumapit ang bata sa magulang, maaaring ang magulang ang lumapit sa anak para buksan ang paksa ng pag-ibig at pakikipagrelasyon.

Subalit dapat ay mahinahon umano ang pamamaraan ng pagbubukas ng paksa.

"'Uy, naghahanap ka na ba ng magiging boyfriend mo?' Parang jokingly [mo sabihin sa bata] tapos saka i-inject 'yong, 'pag-iingatan lang ha kasi ganito, ganyan,'" paliwanag ni Gonzales.

"So in that sense, parang 'yong bata din nagkakaroon ng pakiramdam na game lang naman si mommy na pag-usapan."

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Sakto
DZMM
parenting
parenting tips
love
relationship
pakikipagrelasyon
pag-ibig
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT