VIRAL: Motorcyle rider, Hello Kitty lover ng Sultan Kudarat | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

VIRAL: Motorcyle rider, Hello Kitty lover ng Sultan Kudarat

VIRAL: Motorcyle rider, Hello Kitty lover ng Sultan Kudarat

ABS-CBN News

Clipboard

Kuha ni Mark Lansican

TACURONG, Sultan Kudarat - Agaw atensiyon ngayon ang isang 34-anyos na motorcycle rider na si Mark Lansican.

Pinag-uusapan kasi siya ng mga netizen, dahil hindi lang pala babae kundi pati lalaki rin pala pwedeng maging super fan ng Hello Kitty.

Ayon kay Lansican, nagsimula siyang maging fan ng Japanese fictional character at toy line nang makaisip siyang gawing mas kapansin-pansin ang kaniyang motorsiklo.

“Nagsama-sama, parang common 'yong motor na nakikita ko. Naisip ko, gusto ko mag-Hello Kitty. Nagtanong ako sa LTO na OK naman daw, basta 'wag lang daw alisin ang rehistro," ani Lansican.

ADVERTISEMENT

Naisip na rin niyang gawing pink ang kanyang inuupahang kwarto at pinanindigan na niya ang kaniyang pagiging Hello Kitty lover.

“'Yong room ko pina-pink ko na, tapos nu'ng magka-extra pera ako, bumibili ako ng kaunti-unting Hello Kitty stuff," ani Lansican.

Dinarayo ang kaniyang kwarto ng mga kaibigan para magpa-selfie. Pero minsan hinihingi umano ang kaniyang mga koleksiyon.

“Kaya imbes na dumami, kumaunti na lang collection ko dahil hinihingi ng mga kaibigan ko," sabi ni Lansican.

Kuha ni Mark Lansican

Paliwanag ni Lansican: “Hindi ako bakla. Maarte lang ako kaya ko gawin ang trabaho ng babae. Panindigan ko na kaya ito. Hello Kitty lover.”

Tinatawanan na lang din niya ang mga namba-bash sa kanya. Pero giit niya, masaya siya sa ginagawa niya.

“Bahala na ano sabihin ng iba basta masaya ako. Lalaki ako napagkakamalan akong bakla hindi naman siguro. Hindi naman nasusukat ang pagkalalaki sa pink na motor, kwarto at Hello Kitty collections," ani Lansican.

Para sa kaniya, ginagawa niya kung ano ang makakapagpasaya sa kanya at sana maunawaan ito ng iba.

“Huwag tayo basta-basta maghusga sa kapwa natin. Dapat matuto magtanong. Huwag magpadala sa post lang," dagdag niya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.