Pagkatuyo ng pawis nagdudulot nga ba ng pulmonya? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagkatuyo ng pawis nagdudulot nga ba ng pulmonya?

Pagkatuyo ng pawis nagdudulot nga ba ng pulmonya?

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 18, 2019 10:23 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Madalas sabihan ng mga matatanda ang mga bata na iwasang magpatuyo ng pawis dahil maaari raw atakihin ang mga ito ng pulmonya.

Sa programang "Good Vibes" ng DZMM, pinabulaanan ng isang doktor ang paniniwalang nagdudulot ng pulmonya ang pagkatuyo ng pawis.

Hindi rin daw nagdudulot ng pulmonya ang pagligo kahit pinawisan o pagtulog habang basa ang buhok.

"Walang kinalaman iyan," sabi ng pulmonologist na si Dr. Bistek Rosario sa programang "Good Vibes."

ADVERTISEMENT

Ang pulmonya, ipinaliwanag ni Rosario, ay pamamaga ng isa o 2 baga dahil sa impeksiyong dulot ng bakterya o virus.

"Ang pulmonya kasi, kailangan may magko-cause na impeksiyon, bago ka magkapulmonya. Usually, kailangan mo talaga makalanghap ng virus or bacteria or iba pang causes," paliwanag ni Rosario.

Kapag malamig ang panahon o tag-ulan, nauuso umano ang pulmonya at iba pang mga sakit na dala ng mga virus at bakterya dahil sa hangin.

"Kasi usually nakukuha po natin 'yong mga sakit na 'to sa hangin," ani Rosario.

Pangunahing sintomas ng pulmonya ang pagkakaroon ng ubo at kahirapan sa paghinga, ayon kay Rosario.

Puwede ring sintomas ang lagnat, pagbilis ng paghinga, pagkakaroon ng plema, at pagbagsak ng oxygen status kapag ipinasuri sa medical personnel.

Nagbabala rin si Rosario na mapanganib ang pulmonya lalo sa mga batang may edad 5 pababa.

"Dahil iyong mga batang 5 and below, mahina pa ang resistensiya nila para labanan 'yong viruses and bacteria," paliwanag ng doktor.

Kapag hindi agad naagapan ang pulmonya, maaari raw kumalat ang impeksiyon sa ibang bahagi ng katawan.

Ipinayo rin ni Rosario na iwasang "mag-self-medicate."

Sa halip, dalhin umano sa doktor ang taong may pulmonya para matukoy kung ano ang klase ng pulmonyang umatake at mabigyan ng angkop na gamot.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.